031

219 17 0
                                    

[ CHOI LIA'S ]

"Goodluck mamaya, Lia! We'll cheer for you! Fighting!" a classmate said as I was about to go out of our room kaya ngumiti naman ako at tumango.

"Thank you!" usal ko at kumaway na bago tuluyang lumabas na ng room. Nawala naman agad ang mga ngiti ko nang mawala na ako sa mga paningin nila at hinayaan ang kaba na punuin ang dibdib ko.

It was already the day of the contest and I my intuitions were right. Chill lang ako nung mga nakaraang araw pero ngayong araw na ng mismong event ay heto ako at gusto nang magback-out. Though, hindi ko naman talaga gagawin 'yon. I'm already here, I wasted weeks of practicing with my friends kaya bakit pa ako uurong, 'di ba? Sayang naman ang effort ko lalo na nang dalawa kong kaibigan. Packed din ang schedule nila dahil mga officers sila pero nakapaglaan sila ng time para matulungan lang ako kaya pinangako kong oras na matapos ang araw na 'to, ililibre ko sila para naman makabawi ako kahit papaano.

It was a Friday at halos lahat ng klase ay busy. Excited dahil sa magaganap na event mamayang pagkatapos ng mga klase. Lunch break na kaya naman nagkalat ang mga estudyante sa hallway. They were sending me looks pero hinayaan ko nalang at nagpatuloy na sa paglabas ng building namin.

At dahil contestant ako para mamaya, uuwi ako ng maaga ngayon. Excused kaming lahat na kasali para makapag-ayos at makapag-practice pa. My friends aren't going with me, though. Back-up dancers ko lang naman sila mamaya kaya hindi sila excused. Kaming main contestants lang talaga.

Natigil ako sa pag-iisip nang makita ang pamilyar na sasakyan sa harapan ko paglabas ko ng gate sa campus. Then a familiar girl with blue hair stood beside it, holding a bouquet of flowers on her hand.

Pinagtitinginan siya ng mga dumadaang estudyante pero tila wala yata siyang pake. She stood there still, smiling at me as she waited for me to get to her place. Ako nama'y pigil ang pagngiti dahil nahihiya ako sa mga nakakakita. Tinakpan ko ang mukha ko bago naglakad-takbo papalapit sa pwesto niya.

"Hi," she greeted, making me blush harder.

Hinampas ko siya sa braso dahilan para mapa-aray siya. "Why are you here? Hindi ba sabi ko sa'yong sa classroom niyo ka lang muna?" usal ko pagkarating na pagkarating ko sa pwesto niya.

"And did you honestly think na susundin ko 'yon?" asar niya dahilan para mapairap ako. Ngumisi naman siya agad at inabot na ang isang pumpon ng bulaklak sa'kin.

Namumula ko namang tinanggap 'yon at doon ko nakita ang iba't ibang paborito ko ng bulaklak. I stared at it for a moment before looking up to her. "Did you really buy this for me?" tanong ko, ngiting-ngiti dahil hindi na maitago ang kilig.

Tumango naman siya, nangingiti rin, halatang nahihiya. "Yeah. Kakapick-up ko lang, saktong-sakto sa pagdating mo," sagot niya bago ngumiti.

Tumango naman ako. "Mukhang hindi na ako ang nanliligaw ah. Ikaw na yata," I joked, earning a laugh from her.

"That doesn't matter," usal niya. "Are you going home na ba? Ihatid na kita," pagpapatuloy niya.

Tumango ako. "Okay. Pero hatid lang, ha. Balik ka agad dito pagkatapos mo akong ibaba, okay? Mamayang gabi nalang tayo magkita. I don't plan on finishing the event, anyway," sagot ko at binuksan na ang pinto sa passenger's seat. Agad naman siyang umikot at sumakay na rin, agad pinaandar ang kotse niya.

TRY . jinliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon