016

257 18 10
                                    

[ CHOI LIA'S ]

"Ngiti-ngiti ka diyan?" nagtatakang tanong ni Aecha nang masalubong ko siya sa may pintuan ng room nila ngayong uwian.

I smiled sweetly. "Masama? Hihi. Nandiyan pa ba si Ryujin?" nangingiti pa ring tanong ko.

She stared at me with her funny face. "Choi Jisu? Ikaw ba 'yan? Nabaliw ka na ba? Sinapian? Are you really my bestfriend?" parang ewan na tanong niya at ininspeksyon pa ang buong katawan ko.

Inalis ko ang hawak niya sa'kin at umirap. "Ano ba! Ang OA mo. Ako pa rin 'to! Amp," tsaka inirapan ulit at sumilip sa loob ng room nila.

And there I saw Ryujin with a broom, nag-aayos ng upuan habang nagwawalis. Nangiti naman ako lalo do'n bago tinignan ulit si Aecha na nagtataka pa rin ang mukha habang tinititigan ako. My smile faded as I raise a brow at her.

Umayos naman siya ng tayo. "Anyway, overtime kami ni Sojin ngayon. Ikaw ba?" tanong niya.

Umiling ako. "Uuwi na ako agad," sagot ko naman.

Eto kasing dalawa kong kaibigan ay member ng Student Supreme Council. Busy sila ngayong mga nakaraang araw dahil malapit na ang Pasko. I heard that they were trying to talk about a talent contest for everyone in High School kaya ngayon palang ay pag-uusapan na nila kung paano 'yon.

Kumunot ang noo ni Aecha. "Then why are you still here? Tara, ihatid nalang muna kita sa gate. Sojin will understand kapag nalate naman ako," alok niya. Si Sojin kasi ang President. Pero inilingan ko ang alok niya.

"Hindi na. Hihintayin ko pa si Ryujin," sabi ko, pinipigilan ang pagngiti ulit ng malaki.

It took a minute before Aecha realized what I said. Ngumiti ito ng nakakaloko sa'kin at sinundot pa ang tagiliran ko. "Kaya pala ngiti-ngiti ka diyan ah! Osiya, sige na. Mauna na ako. Mag-ingat si Ryujin sa'yo. Babye!" tsaka siya kumaway at tumakbo na paalis.

Ngumiti ako at kumaway bago tuluyang naghintay sa paglabas ni Ryujin. She knows that I'll be waiting for her dahil sinabi ko.

She was blushing and speechless all the time I was with her kanina. At hindi ko lang mapigilang ngumiti dahil parang nawala yung bigat na nakadagan sa puso ko pagkatapos sabihin lahat sakaniya ang mga saloobin ko.

Normal naman ang pakikitungo niya sa'kin, namumula lang ang pisngi tuwing nahuhuli niya akong nakatitig sakaniya. Ako rin naman ay mahihiya kaya agad akong umiiwas at umiwas din sa paggawa ng mga bagay na ikakailang niya. I don't want her to find me creepy or whatever.

My heart started beating faster when I saw her walk out of their room. Hinahanap ako. Tumigil lang siya nang makita na ako dito sa tapat ng room namin. Bumalik ako dito dahil nakakahiya naman kung sa tapat ng room nila ako maghihintay.

I saw how she blushed while walking towards me. Ngumisi naman ako dahil doon.

"Chill, Ryujin. Ayaw kong naiilang ka. Let's just pretend that nothing happened earlier and think that I... am just courting you," mahina ang boses ngunit nakangising usal ko.

I saw her blush again before pouting. "Fine! Only because ayaw kong magpatalo sa mga asar mo," singhal niya at umirap.

Tumawa ako. "Tara?" yaya ko at nauna nang maglakad. I felt her walk beside me. Tahimik kaming naglalakad, halatang hindi alam ang gagawin o sasabihin. It was silent but it was a comfortable silence.

TRY . jinliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon