026

334 25 7
                                    

[ CHOI LIA'S ]

My heart sank when I saw no familiar car parked infront of our house. Inayos ko ang puting sling-bag na nakasabit sa balikat ko at lumunok. Bumalik ako sa loob at naghintay kay Papa. Umupo muna ako sa sofa, tumitig lang sa kawalan.

"Oh, nandito ka pa? Wala pa si Ryujin?" my Father's voice boomed into my ear when he got down the stairs.

Umiling ako at tumayo para tulungan siyang ayusin ang polo niya. "Maaga siya ngayon, Pa," sagot ko nalang, nagsinungaling.

Tumango nalang siya at pinagpatuloy ang pag-aayos sa sarili. Lumabas na ako nang makitang malapit na siyang matapos. Nauna akong sumakay sa sasakyan.

I was wearing my faded mom jeans and dark blue hoodie. Ayaw ko sanang mag-hoodie pero namumula ang braso kong natapunan rin yata ng mainit na kape. And Yeji's tight grip yesterday left a purple bruise on my other arm. Isinuot ko ang earphones ko at naghintay bago makarating sa harapan ng Univ.

Bumaba ako agad nang makapagpaalam kay Papa. And as usual, students were sending me glares as I walk in the hallways. Mas dumami pa iyon dahil panigurado akong kalat na ang nangyari kahapon. It was Hwang Yeji and a fight with a nobody. Of course, ako ang masama... the nobody.

Tahimik akong umupo sa upuan ko pagdating sa loob ng room. Mabuti nalang at naka-earphones ako dahil sigurado akong may nagpaparinig na sa'king mga kaklase ko. Some were glaring at me and some were giving me their sympathetic looks. Tumikhim lang ako at tumitig nalang sa labas ng bintana kung nasaan tanaw mo ang buong asul na langit at mga kulay abong ulap.

★・・・・・・★・・・・・・★・・・・・・★

"So, anong balak mo para sa performance mo next month? You should practice na!" si Aecha nang matapos na ang klase.

The whole day went peacefully, buti nalang. Buti nalang din at early dismissal dahil konti nalang talaga ay papakyuhan ko na ang mga estudyanteng ang sasama ng tingin sa'kin. Plus the fact na I saw Ryujin and Yeji together made me just want to throw my middle finger to everyone, most especially to the both of them.

"I don't need to practice," seryosong sagot ko at sumisip sa milktea na nasa harapan ko bago bumalik sa pagsusulat. Trying to get rid of Ryujin in my mind. How Yeji and her were back to being close like I never even existed.

I heard her sigh. "Hindi pwedeng kanta lang ang gagawin mo. Dapat may pasabog ka rin!" usal niya pa.

"Aecha, let's talk about that later. I feel so tired to even talk. Please," mahinang sabi ko at tinapunan ng tingin si Sojin sa tabi ko na nakakunot ang noo habang nakatingin sa laptop.

I heard her sigh dramatically before finally looking down to her phone. Nakahinga naman ako ng maluwag doon kaya nagpatuloy na ako sa pagsusulat. I plugged my earphones in for more concentration until I finished my work at inalis lang 'yon nang matapos na.

"Isn't singing infront of everyone already enough?" maya-maya'y tanong ko kay Aecha na dali-dali namang nag-angat ng tingin pagkarinig ng sinabi ko.

"No! Hindi enough 'yon! Hindi ka mananalo kung kakanta ka lang. Dapat may pasabog!" she enthusiastically answered.

"I don't wanna win," sagot ko habang pinaglalaruan ang pearl na nasa loob ng bunganga ko.

She rolled her eyes. "Whatever. Pero sabi ko nga, dapat may pasabog ka. Sumayaw ka rin, gano'n!"

TRY . jinliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon