[ CHOI LIA'S ]
I rolled my eyes for the nth time. "Ayaw ko ngang tignan. Kayo nalang!" sagot ko. Nangungulit nanaman dito si Aecha, pinipilit akong sumama kapag titignan na nila ang results ng mga nakapasa sa auditions.
Umirap ulit ako nang ngumuso siya. "Bakit ba ayaw mong makita? Titignan lang naman natin!" sagot niya pabalik.
Natahimik ako sa tanong niya. Bakit nga ba ayaw kong makita? Ayaw ko kasing masaktan kapag nakita kong wala yung pangalan ko do'n mamaya. Isang malaking sampal iyon sa'kin kung wala ako. Magmumukha akong tanga do'n kung ang kapal ng mukha kong pumunta do'n kung wala naman pala ang pangalan ko.
I hissed. "Basta! Ayaw ko!" inis na sagot ko at umalis na doon, iniwan siya. Ayaw ko kasi sa lahat ay pinipilit ako sa isang bagay na ayaw ko naman talaga. Pinagbigyan ko na sila nung huli, napa-oo na nila ako, nag-audition na ako, kahit ito lang naman sana'y ibigay na nila.
I was on my way out of the canteen when I felt a hot liquid hit my front. Suminghap ako at nagmura nang maramdaman kung gaano kainit 'yon. Tinignan ko ang nakatapon ng kape sa'kin at nakita ang nakakalokong mukha ni Yeji kasama si Chaeryeong, may hawak na isang baso ng kape sa kamay.
"Oops! I'm sorry! Hindi ko sinasadya!" tawa niya at aalis na sana pero mabuti nalang at mabilis akong nakagalaw.
Hinigpitan ko ang hawak sa braso niya. I'm not that strong but I gave my all in trapping her arm. "Ano bang problema mo?" matigas na tanong ko.
I heard her hiss before grabbing her arm away from me. At dahil mas malakas siya, naalis niya 'yon. I glared at her amused eyes. "Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan. Ikaw ang hindi tumitingin sa dinaraanan mo. So, ano nga bang problema mo?" nakangising sagot niya.
Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa inis. I was so angry but so speechless at the same time. Nilibot ko ang paningin ko at nakitang nakahakot na pala kami ng mga manonood. I sighed in defeat before picking my stuff up at aalis na sana pero ako naman ang pinigilan niya sa braso.
"Teka, tinatanong pa kita. Bawal pang umalis," may bahid ng pang-aasar ang boses niya.
Walang gana akong umirap. "Let go of me," mahinahon pang sabi ko. I glanced at Chaeryeong who was only watching. Walang bahid ng emosyon ang mga mata niya nang magtama ang mga tingin namin pero inirapan ko 'yon at umiwas na ng tingin.
"No can do," si Yeji bago ako hinila papunta sa harapan niya, mahigpit pa rin ang hawak sa braso ko. "Lahat nalang yata talaga'y balak mong kunin sa'kin, ano?" mamaya-maya ay dumilim na ang mga mata niya.
I scoffed. "Ano ba 'yang pinagsasasabi mo? Tsaka pwede ba, bitiwan mo na 'ko? Kung gusto mo ng atensyon, ako, ayaw ko."
"Layuan mo si Ryujin, magback-out ka kung sakaling nakuha ka sa auditions. Simple as that and I'd let you live your life peacefully," si Yeji, hindi pinansin ang sinabi ko.
"Why the hell would I do that?" sumbat ko, mas lalong umiinit ang dugo. Hindi maayos ang mood ko kanina pa at ginatungan niya pa kaya bahala na siya. "You know why Ryujin doesn't want you anymore? Kasi hindi mo siya trinato ng tama. And what? Back-out? Bakit? Natakot ka ba? Kasi ano, alam mong kaya ko ring kunin ang spotlight na nakatutok sa'yo?" I filled my voice with humor, wanting to tease her to death.
Suminghap ako nang mas lalo niyang hinigpitan ang hawak sa braso ko. "Ano ba! Sabing bitiwan mo ako!" bulyaw ko at nagpupumiglas.
![](https://img.wattpad.com/cover/223203482-288-k805873.jpg)
BINABASA MO ANG
TRY . jinlia
Fanfiction❝ In which Lia falls inlove with Ryujin like she just saw her for the first time and Lia will do anything just to get Ryujin's heart. But what plan does destiny have for them? ❞ 𝐑𝐘𝐔𝐉𝐈𝐒𝐔 𝐅𝐀𝐍𝐅𝐈𝐂 ⤷𝐭𝐚𝐠𝐥𝐢𝐬𝐡 [ date started: may 02, 20...