008

257 22 0
                                    

[ CHOI LIA'S ]

Nakaupo ako sa dulo ng higaan ko habang kinakabahang naghihintay kay Ryujin. It was Saturday already and I'm waiting for her. 5 AM and I was already awake kanina. I wanted to look good infront of her that's why I woke up early.

I stared at myself infront of the mirror. Kanina pa ako nakaupo dito, kanina pa ako naghihintay. It was 7:30 already.

I was wearing my white spaghetti strap top tucked in my yellow floral boho skirt. I was also wearing my strap sandals and my black thin wristwatch. Hinayaan ko rin ang buhok kong nakalugay at naglagay ng konting make-up sa mukha.

Nataranta ako nang marinig ang boses ni Papa sa may pinto. "Lia, your friend's here."

Napalunok ako bago huminga ng malalim at tumayo. Nagspray pa ulit ako ng pabango bago isinabit sa balikat ang dilaw na bindle bag ko at tumungo sa pinto. Wala na si Papa do'n nang buksan ko kaya bumaba na ako.

The frontdoor was open and there I saw Ryujin with her black highwaist shorts and a cotton beach cover-up with her black sports bra underneath. Ang buhok na asul ay naka-low bun like the usual. And down to her hands were keys. Car keys.

Napatigil ako sa pagtitig kay Ryujin nang marinig ang pag-ubo ni Papa. I looked at him and saw him grinning at me teasingly.

"You should go habang maaga pa. Don't keep your friend waiting," tsaka niya pa ako kinindatan, nang-aasar lalo.

I pouted before facing Ryujin who was already watching us. Ngumiti siya kaya ngumiti rin ako pabalik bago naglakad palapit sakaniya.

"You look good," usal ko, may pang-aasar sa boses.

Natawa naman siya. "Ako pa," before flipping her hair jokingly.

I cringed. "Whatever," sagot ko at hinarap ulit si Papa. "Aalis na kami, Pa. Take care. Don't forget to take your meds, okay? Love you."

Ngumiti naman si Papa. "I will. Enjoy the both of you."

Kumaway ako bago kinuha ang pulso ni Ryujin at hinila na paalis do'n. Pero natigil ako nang makakita ng itim na kotse, nakapark sa harapan ng bahay. "This is yours?" hindi makapaniwalang tanong ko kay Ryujin.

She smirked at me then showed me her car keys. "Duh. Sakay na!" tsaka siya tumawa.

Umirap ako at binuksan na ang pinto sa passenger's seat habang siya naman ay sa driver's seat. I watched her turn the engine on.

"Where are we going?" tanong ko.

"Just somewhere," sagot niya at tuluyan nang nagdrive paalis sa village kung sa'n nakatayo ang bahay namin.

Umirap ako. "I think I have an idea na. Are we going to the beach?" nanliliit ang mga matang tanong ko habang nakatingin sakaniyang seryosong magmamaneho.

I saw her smirk. "Maybe," sagot niya.

"Buti nalang ganito ang suot ko kung gano'n," wala sa sariling sabi ko.

"Yeah. You look stunning, by the way," sabi niya habang seryoso pa rin sa pagmamaneho.

Pinamulahan ako ng pisngi dahil sa sinabi niya at natahimik. Umiwas ako ng tingin nang silipin niya ako dahil sa pagkakatahimik.

TRY . jinliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon