014

229 17 0
                                    

[ CHOI LIA'S ]

I smirked when I saw Ryujin walk out of my bathroom. "Grabe. Prepared ka talaga, ah?" I teased while I studied her clothes. Halatang pinaghandaan yung damit e. Well, oo nga naman. Sino ba namang hindi? Pft.

Ngumisi rin siya at inayos pa ang kwelyo ng sweater niya. "Oo naman," tsaka kinuha ang medyas sa loob ng backpack niya.

Umiling ako at sumunod na rin sa pagligo. It took minutes before I was finished. Sinuot ko na rin ang mga damit ko para sa ngayong araw bago lumabas ng banyo. I saw Ryujin laying on my bed while she was busy on her phone. Hindi ko nalang siya pinansin at nagsimula nang mag-ayos ng sarili.

"You done?" she asked, eyeing me up and down. Namula ang mga pisngi ko dahil do'n kaya umiwas agad ako ng tingin at tumango nalang.

Tumayo siya nang tumango ako. I grabbed my thick sweater and my bag before heading downstairs first. Tulad ng dati ay nandoon na si Papa sa sala, nag-aayos ng polo kaya agad ko siyang tinungo at tinulungan gaya ng ginagawa ko na dati pa.

"Kay Ryujin po ako sasabay," paalam ko habang inaayos ang kwelyo ng polo niya.

Ngumisi siya ng nakakaloko. "Okay. Mauna na kayo. Ingat kayo, 'nak. Love you," sagot niya nang matapos ako.

Ngumiti ako at tumango. "Ingat din, Pa. Love you too," sagot ko at sinenyasan si Ryujin na naghihintay sa pintong lumabas na ng tuluyan. Nagpasalamat muna ulit siya kay Papa bago tumungo sa labas para sa kotse niya.

She opened the door for me reason why I felt my cheeks flame. Buti nalang at malamig kaya may irarason ako kung napansin man niyang namumula ako.

"Hindi kaya ma-issue 'tong pagsabay natin sa pagpasok?" biro ko nang magsimula na siyang magdrive.

She scoffed. "Bakit naman sana?"

I shrugged. "Wala. Baka isipin nilang ang bilis mong makamove-on and that you're with a new girl nanaman. Not that gusto kong ma-issue pero alam mo naman yung mga students sa campus. Hell, sana pala hindi tayo nagsabay! Ayaw kong ma-issue! I should've known," sagot ko.

Tumawa siya dahil sa huling sinabi ko pero agad ding nagseryoso. "Then I don't care. We're just friends and we both know that that's the truth. That's the only thing that matters to me," sagot niya gamit ang malalim na boses.

Tila gusto ko yatang umiyak nang marinig ang sinabi niya. Though I held back my tears. Totoo naman e. "Yeah... Oo nga naman," sagot ko at tumingin na sa labas ng bintana, pilit na binabalewala ang sinabi niya.

Goddamnit, Lia! It's the truth! Why are you hurting?

Because the truth fucking hurts, I guess. Dumbass.

"CHOI JISU!" I snapped out of my thoughts when I heard Ryujin's thundering voice.

"What?!" sigaw ko rin pabalik, naaasar dahil sa ginawa niya.

She grinned teasingly. "Nandito na tayo! Kanina pa kita tinatawag dahil kanina ka pa nakatulala diyan e ayaw mo pumansin!" sagot niya.

Umirap ako. "Then you should've poked me! Not shout at me! Damn it," galit na usal ko bago binuksan ang pinto ng kotse niya at nauna nang bumaba.

Students watched me as I walk away from Ryujin's car the moment I got out. Hindi ko pinansin ang mga bulungan nila at nagpatuloy lang sa paglalakad. Chaeryeong even greeted me when she saw me in the hallway pero agad ding tumigil nang makita si Ryujin na hinahabol pala ako.

Hindi ko pinansin si Chaeryeong at masungit na hinarap si Ryujin, naaasar pa rin dahil sa ginawa niya. "What?" I spat.

"I'm sorry," agad na sabi niya, medyo hinihingal.

"Ayaw ko nang ginugulat ako."

I heard her sigh before nodding her head. "Okay. I'm sorry. Hindi ko alam," sagot niya at sinilip si Chaeryeong. "Mauuna na ako. Pasensya na ulit," usal niya at nagmadali nang umalis.

Bumaba ang mga balikat ko dahil sa pag-alis niya. I suddenly feel bad for getting angry at her. Hindi naman niya alam na ayaw kong ginugulat ako. I should say sorry. I will really say sorry later. I sighed before facing the stunned girl behind me.

"Close na kayo?" agad niyang tanong pagharap ko.

"Uh... siguro? Ewan ko. Tara na," sagot ko, medyo kinakabahan bago nauna sa paglalakad.

★・・・・・・★・・・・・・★・・・・・・★

I was on my way to the faculty room para sana magsubmit ng requirements ng buong klase. I decided to take the long cut para may konting oras man lang ako sa pagmumuni-muni habang naglalakad. At dahil gusto ko ring masilip ang garden ng University ay naglong cut na nga ako dahil madadaan 'yon dito.

I sighed in relief when the fresh wind blew in my face. Iba talaga ang dalang bango ng hangin kapag pinapaligiran ka ng kalikasan. Nakakakalma.

Kumatok ako sa pinto kung nasaan ang table ng subject teacher namin. I gave her our requirements and immediately went back when she told me to. Ang long cut ulit ang ginamit ko para masilip lang ng saglit ang garden.

Tumigil ako sa may bungad ng garden at doon nakangiting tinignan ang mga bulaklak na nakatanim doon. I closed my eyes and breathe the fresh air in. Pumasok ako ng konti at bumunot ng isang bulaklak. It was white cosmos. It's not my favorite flower but I always find it pretty. Inipit ko iyon sa kanang tenga ko bago nilibot ang mga mata ulit sa loob. I was about to step out when I heard a loud cry.

Kumunot ang noo ko. Galing sa dulo ang tunog na 'yon. I couldn't see dahil tago ang dulong parte ng garden. I shrugged then was about to walk out again when I heard someone screaming my loud name, paiyak. It sounded so hurt and frustrated.

"Do you like her?!" bulyaw ulit ng boses na 'yon. "Damn it, Shin Ryujin! Do you like Choi Jisu? Sagot!"

I frozed. It was Yeji. Siya ang umiiyak.

Nandito silang dalawa, nag-uusap and I happened to catch them secretly, again. Only this time ay rinig ko na ang pinag-uusapan nila. Fuck.

Aalis na sana ulit ako ng tuluyan but I managed to hear Ryujin's answer reason why I stopped again.

"I... hindi siya mahirap gustuhin..." bulong ni Ryujin pero sapat na para marinig ko. I waited for Yeji's answer but all I heard was her loud cry.

I decided to wait for more pero nagring ang phone ko sa bulsa dahilan para mataranta ako. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at nakitang isa sa mga kaklase ko 'yon.

"Damn it..." bulong ko at agad na tumakbo ng tuluyan paalis do'n bago pa ako mahuli ng dalawa.

I muttered multiple curses under my breath as I ran away from the garden. Nagulat pa ang mga kaklase ko nang makita akong hinihingal sa pinto. I ignored their gazes and went to my seat at the back. Buti nalang ay lumabas din saglit ang teacher namin sa mga oras na 'yon at naunahan ko siya sa pagbalik.

"Okay ka lang?" nakita ko pang tanong ni Chaeryeong sa harap. I nodded and avoided her gaze as well.

I tied my hair in a bun dahil pinagpapawisan na ako. Tumingin ako sa labas ng bintana at napamura nang maramdamang wala na ang binunot kong bulaklak sa tenga. It must've fell when I was running.

"... hindi siya mahirap gustuhin..."

"... hindi siya mahirap gustuhin..."

"... hindi siya mahirap gustuhin..."

Nanigas ako sa kinauupuan ko nang paulit-ulit na umulit sa isip ko ang sagot ni Ryujin kay Yeji kanina. It was driving me insane.

What does Ryujin meant by that? Is it a good thing or a bad thing? Nakakabaliw! Should I ask her? Hindi kaya siya magalit kapag sinabi kong narinig ko ang usapan nila? Hindi pa naman kami okay na dalawa. Should I?

Ah, goddamn it! Bahala na.

TRY . jinliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon