[ CHOI LIA'S ]
Kinabukasan ay inilagay ko agad ang bagong labang t-shirt ni Ryujin sa bag ko. Nilabhan ko agad 'yon kahapon pag-uwi ko para maibalik na ngayon. I even threw a strawberry candy inside it nang matupi ko 'yon. It was my favorite candy so I'm certain that she'll like it.
I looked at myself in the mirror for a last glance of myself before heading downstairs. Nakita ko si Papa, inaayos ang manggas ng polo niya. I went to him and helped him.
Medyo nagulat siya sa pagsingit ko pero ngumiti lang siya. I love Ryujin's smile but I'd die just to see my Father's smile. He's the only one left for me. Ang Mama ay matagal nang wala. She died giving birth to me, unfortunately.
"Nagiging kamukha mo na ang Mama mo," malalim ang boses niyang sinabi iyon nang matapos ako sa pag-ayos ng polo niya.
I smiled warmly. "You always say that," usal ko at isinuot ang ID ko sa leeg.
He chuckled. "Because it's true."
Tumawa nalang ako at lumabas na para makasakay sa kotse. Hinahatid niya ako tuwing umaga bago pumasok sa trabaho. He's a great parent. I admire him so much. He never gave up on me. Kahit na mahirap ang pagkawala ni Mama para sakaniya, he still managed to raise me well.
"Don't forget to do good in school but also remember the fun. Love you, Lia," si Papa nang maibaba ako sa main gate ng University.
"You too, Pa. Ingat sa trabaho. Don't stress yourself too much. Bye!" tsaka ako kumaway at pumasok.
★・・・・・・★・・・・・・★・・・・・・★
Break nang magkaroon ako ng oras para maibalik ang t-shirt ni Ryujin. Hinanap ko si Chaeryeong sa room pero wala na siya. I shrugged and still grabbed the shirt and went out of the room.
Dumiretso ako sa classroom nina Aecha. She was there, mukhang palabas na rin. Nagulat pa siya nang makita ako.
"Oh, nalabas ka?" asar niya nang makarating sa harap ko. "Whose is that?" tanong niya nang makita ang dilaw na damit sa mga kamay ko.
I gulped. "Kay Ryujin. Nandiyan ba siya?" tanong kong ikinagulat niya.
"Wha— How?" she asked, mouth agape.
"Long story. Nandiyan ba siya? Tanong ko ulit.
Umiling siya. "Uh, lumabas na. Nagpunta yata sa canteen, kasama si Yeji," sagot niya.
Bumaba ang mga balikat ko nang marinig ang pangalan ni Yeji. Ibinaba ko ang mga kamay ko at itinago ang damit sa likuran ko.
"Gano'n ba? Okay," sagot ko at aalis na sana pero pinigilan niya ako.
"Okay ka lang?" may pag-aalala sa boses ni Aecha.
We could be fighting or bickering all the time but we also have this soft spot for each other. Pati si Sojin. I may be harsh on them sometimes, but I still appreciate them because they never left my side kahit may pagkapangit ang ugali ko.
I rolled my eyes. "Duh. Ako pa ba?" sagot ko at tumawa.
Ngumiwi naman siya. "Sus. Ano, ako nalang ba magbigay?" tanong niya.
BINABASA MO ANG
TRY . jinlia
Fanfiction❝ In which Lia falls inlove with Ryujin like she just saw her for the first time and Lia will do anything just to get Ryujin's heart. But what plan does destiny have for them? ❞ 𝐑𝐘𝐔𝐉𝐈𝐒𝐔 𝐅𝐀𝐍𝐅𝐈𝐂 ⤷𝐭𝐚𝐠𝐥𝐢𝐬𝐡 [ date started: may 02, 20...