015

264 23 3
                                    

[ CHOI LIA'S ]

Chaeryeong immediately went to me when the bell rang. Meaning, lunch break na.

"Okay ka lang? Bakit humihingal ka kanina? What happened?" sunod-sunod na tanong niya.

Ngumiti ako ng tipid bago umiling. "I took the long cut e tinawagan na ako ni Caz kaya tinakbo ko na hehe," sagot ko. Si Caz kasi yung tumawag sa'kin kaninang hindi ko sinagot.

Ngumiti naman si Chaeryeong bago tumango. "Okay. Lunch na ako. Lunch ka na rin, kanina ka pa hinihintay nina Sojin," sabi niya at umalis na.

Tumingin ako sa pinto mg classroom at nakitang hinihintay na nga ako ng dalawa kong kaibigan. I sighed before grabbing my bag. Tumayo na ako at tinungo ko na sila. Nagbubulungan silang dalawa nang makarating ako sa kinatatayuan nila. They stopped talking when they saw me. Tinaasan pa ako ng kilay ni Aecha.

"What?" I spat.

"May tinatago ka ba sa'min? May hindi ka ba sinasabi?" tanong ni Aecha na nakataas pa rin ang kilay na nakapamewang pa.

Kumunot ang noo ko. "Ano naman sana?"

"Sabay daw kayo ni Ryujin pumasok kaninang umaga?" si Sojin naman.

"Tapos kotse niya pa raw yung gamit niyo?" si Aecha naman ulit.

"Ah, oo. Totoo nga. Ang dami talagang tsismosa dito sa campus. I can't wait to be out of here," sagot ko.

Pinanliitan ako ng mga mata ni Aecha. "Don't change the topic. Bakit kayo sabay? Paano nangyari 'yon?" sunod-sunod na tanong niya.

I sighed before rolling my eyes. "Mamaya ko nalang ikwento, pwede ba? Kumain muna tayo. Gutom na ako," masungit na sabi kong nginusuan at tinanguan lang ng dalawa.

Hinila ko na sila papuntang canteen. Agad nila akong pinasabugan ng mga tanong nang maka-order na kami at makahanap ng bakanteng mesa. Wala naman na akong nagawa kundi sagutin ang mga tanong nila. I told them everything but left out some personal parts. Tulad nung nagpunta kami sa beach nang kaming dalawa lang.

"What? Hinanap mo siya pagkatapos kumalat ng balita no'n? Why?" naguguluhang tanong ni Aecha.

I sighed. Should I tell them what I saw that night in the party? Should I tell them that the reason why I looked for Ryujin the day the news went out was because I somehow felt guilty? Aish.

I shrugged. "Naawa ako. Plus, she was kind to me before the incident happened so I just wanted to return the favor," sagot kong hindi makatingin sakanila.

"And you became this close because of that?" si Sojin naman ang nagtanong.

"Siguro? I don't know. Wala siyang malapitan sa mga panahong 'to and she found a friend in me kaya siguro magkasama kami kaninang umaga? I don't know," I answered before shrugging. Sumubo lang ako ng pagkain ko at hinayaan lang silang magtanong para manahimik na sila.

"Paano kayo nagsabay kanina? How did that happen? Sinundo ka niya?" si Aecha ulit.

Umiling ako. "She... Natulog siya sa'min kagabi," sagot ko at pinigilan ang sarili sa pagkagat ng labi ko. It's a habit of mine when I'm nervous and they both know it.

TRY . jinliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon