017

247 17 4
                                    

[ CHOI LIA'S ]

Tahimik ang park. Madilim at iilang poste nalang ng ilaw ang nagsisilbing liwanag do'n. It wasn't that cold but it was windy.

Tumakbo ako agad patungo sa swing nang matanaw iyon. Umupo ako sa isa at nakangiti nang naglaro. Lumaki lalo ang mga ngiti ko nang makitang naglalakad na rin patungo dito si Ryujin.

She sat on the swing beside mine, tahimik lang at pinapanood ako. "What? Laro ka din!" parang batang usal ko habang patuloy pa rin ang pag-angat ko sa ere.

I saw her pout. "Sa tingin mo, makakapaglaro pa ako pagkatapos nung ginawa mo?"

I smirked. Sabi na nga ba't malaki ang epekto no'n sakaniya. "Ano bang ginawa ko? Meron ba?" pagmamaang-maangan ko, nang-aasar.

"Shut up, Choi Jisu. I know you did that on purpose," sabi niya habang patuloy na pinapanood ako.

Humalakhak ako. "Did what on purpose?" patuloy kong pang-aasar.

Umirap siya. "Whatever," tsaka niya ako tinalikuran.

I chuckled. I didn't know she'd be this cute. Iba kasi ang pinapakita niya tuwing nasasalubong ko siya. Kung ako sakaniya ay masungit, siya naman ay seryoso. She looked like she wouldn't do things like this—the teasing, the whining, the pouting, the tantrums, and the laughing. Parang hindi niya gawain ang mga 'yon tuwing nakikita ko siya. But all of these cuteness makes my heart melt.

Huminto ako sa paglalaro para suyuin siya. Heck, I don't know how to do things like these but if doing this means her falling for me, then I'd do it every single time. I don't even know if I should really do this but whatever.

Tumayo ako at umupo sa harapan niya. Now I'm looking up to her. Halos matawa pa ako nang makita siyang nakanguso, pilit na umiiwas tumingin sa mga mata ko.

Dumapo ang mga mata ko sa mga kamay niyang nakapatong sa ibabaw ng hita niya. I suddenly had the want to hold it but I stopped myself immediately. Ilang beses ko nang nahawakan iyon pero tila nahiya ako nang maalala kung ano ang sitwasyon namin. I don't wanna take advantage of her. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi bago ibinalik ang mga mata sa mukha niya.

"Hey... tampo ka?" mahina ang boses na tanong ko.

Iniwas niya ang mukha niya sa'kin dahilan para mangiti ako ng kaonti. "Look, I'm sorry. Ang tagal mo kasing tanggalin yung seatbelt mo kaya ako na ang gumawa no'n and I wanted to tease you too, kaya..." mahinang pagpapaliwanag ko saka nagkibit-balikat.

"Hindi mo dapat ginawa 'yon," sagot niya habang nakaiwas pa rin ang mukha sa'kin.

Bumaba ang balikat ko dahil do'n. Gusto kong magtanong kung bakit pero tumango nalang ako. Siguro nasobrahan ko yung ginawa ko. Dapat siguro hindi ko nalang ginawa 'yon. I sighed before forcing a smile. Ang kagustuhang hawakan ang kamay niya kanina ay tuluyan nang nawala dahil sa pagkakapahiya.

"Okay... Hindi na mauulit," usal ko at tumayo na.

Gusto kong pakalmahin ang nababaliw kong puso kaya tinalikuran ko siya at tinungo naman ang slide.  Ayaw kong ipakita na medyo nasaktan ako sa sinabi niya. Wala naman akong karapatan plus, ang babaw na dahilan no'n para masaktan. I went far so I deserve this kind of treatment.

TRY . jinliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon