[ CHOI LIA'S ]
Inalis ko ang kamay ni Aecha sa ulo ko nang hindi pa rin siya matigil sa pag-aayos ng buhok ko. "Ayusin mo 'yang sarili mo! Tignan mo 'yang highlighter mo sa ilong, nasobrahan!" puna ko sa mukha niya.
Agad siyang lumayo sa'kin at tinulak ako paalis sa harapan ng salamin para tignan ang ilong. "Hindi naman, ah! Sakto lang!" she pouted.
"Nauto ka naman," bulong ko pero narinig niya kaya ako hinampas na ikinatawa ko.
"Girls, tara na. Ready na raw yung party. Sila Yeji nalang ang hinihintay," tawag saamin ni Sojin.
Nandito kami sa kwarto niya. We went here after organizing everything for the party para makapag-ayos din ng sarili kahit papaano. Tapos na ang Christmas party namin at ngayong gabi nga ay gaganapin ang surprise party para sakanila Yeji. Kaming mga kaklase lang ng apat ang pwede pumunta at kung ayaw naman ng iba naming kaklase pumunta'y ayos lang.
Lumabas na kami ng kwarto ni Sojin at bumaba na ng hagdan para sundan siya sa labas. I'm wearing my plain army green t-shirt tucked in my favorite faded mom jeans and wore my white high-cut converse shoes. Ang camerang dala ay ginawa kong parang sling bag at hinayaan din ang maalon kong buhok na nakalugay.
Hindi sana ako pupunta kung hindi lang ako pinilit ng mga kaibigan ko. They even made me one of their photographers which is fine with me. Alam ko rin namang merong parte sa puso ko na gustong makita si Ryujin.
Puso? Ew, Lia.
Wala pang twenty minutes ay nandito na kami sa venue ng party. Kasama rin ang mga advisers namin. And we're outside the University so allowed ang alcohols.
Nando'n na ang iba kong mga kaklase kaya humiwalay muna ako kina Sojin at doon pumunta. May hinanda rin kasi ang klase namin na para lang kay Chaeryeong. Sumali ako do'n kahit napipilitan. Mabait si Chaeryeong pero hindi kami close. Nag-uusap lang kami kapag may room activities.
"Nandiyan na sila!" may sumigaw kaya naman nagmamadali kaming lahat na pumwesto. Pinatay pa ang ilaw nang makapwesto kaming lahat.
Ilang segundo pa ay narinig ko na ang mga boses nila. It was pitch black so we were sure they couldn't see us. Maya-maya pa nga ay sinwitch na ang ilaw at sumigaw kami ng napakalakas na "Congratulations!" at pinutok na ang mga party poppers.
My eyes immediately went to Ryujin when I got the chance to look at her. Nagkagulo na kasi ang mga kaklase ko pagkatapos no'n.
She was wearing her white crop top with an oversized dark green maong jacket and a black highwaist shorts with her black combat boots. Naka-low bun din ang buhok nitong maiksi. But one thing that really captured my attention was her smile while hugging some of her classmates while mouthing thank yous to them.
Hindi ko pa namalayang napangiti rin ako dahil do'n kaya agad kong inalis ang tingin sakaniya nang magtama ang mata namin at kinuha nalang ang camera para masimulan nang kumuha ng pictures.
"Lia!" maya-maya ay may tumawag sa pangalan ko kaya tumigil ako sa pagkukuha ng picture nang marinig ko ang pangalan ko.
"Yes?" baling ko kay Chaeryeong na tumawag sa'kin.
Lumapit siya sa'king nakangiti. "Sa'yo yung camera?" tanong niya. "Pwede pahiram?"
"Uh... okay! Sige, sa'yo muna," atsaka inalis ang nakasabit na camera sa balikat ko at binigay sakaniya.
BINABASA MO ANG
TRY . jinlia
Fanfiction❝ In which Lia falls inlove with Ryujin like she just saw her for the first time and Lia will do anything just to get Ryujin's heart. But what plan does destiny have for them? ❞ 𝐑𝐘𝐔𝐉𝐈𝐒𝐔 𝐅𝐀𝐍𝐅𝐈𝐂 ⤷𝐭𝐚𝐠𝐥𝐢𝐬𝐡 [ date started: may 02, 20...