030

254 21 6
                                    

[ CHOI LIA'S ]

Tumigil ako sa paggalaw nang maramdaman nanaman ang pag-vibrate ng phone ko sa bulsa. I stopped for a minute to check it, only to see it was Ryujin's texts again.

I smiled as I read through the texts. I was about to type a short reply when I noticed how the music stopped. Inangat ko ang tingin ko at nakitang nakapamewang na ang dalawa kong kaibigan sa'kin, seryoso at nakataas pa ang mga kilay.

"Ikaw pa rin ba ang icocontest o kami na?" nakataas ang kilay at medyo asar na tanong ni Aecha. It's a rare sight to see Aecha like this so I laughed awkwardly first before shaving my phone back in my pocket.

"Ako pa rin hehe," sagot ko at umirap naman silang dalawa.

"Pagsabihan mo 'yang si Ryujin. The two of you can wait. From the top!" masungit na utos niya kaya naman agad akong pumwesto ulit.

★・・・・・・★・・・・・・★・・・・・・★

Pagkatapos ng dalawang oras na pagpapractice ay natapos rin kami. Nandito kami sa bahay, Sabado, huling linggo na para makapag-ayos ng performance para sa gaganapin na contest. I wasn't nervous at all, alright. Ang tanging inaalala ko lang talaga ay ang finals. Though, alam kong ngayon lang ako ganito. I know myself too well that I can already see my state at the day of the contest.

Baka maihi nanaman ako! Ugh.

"You perform great already. Dito palang. Sana maayos yung performance mo tulad nung mga practices natin kapag nasa stage na," si Aecha, seryoso ang boses dahil na rin siguro sa pagod.

Lumunok ako. "Yeah, yeah. Pwede bang 'wag ka nang magsungit? Hindi ako sanay," irap ko at umakyat na sa hagdan na agad naman nilang ginaya.

"Maki-shower ako, Li! I feel so lagkit na," si Sojin at mas binilisan pa ang pag-akyat ng hagdan, nauna na sa kwarto ko bago pa ako makasagot.

"Pagod lang ako. Pasensya na," si Aecha na katabi ko sa pag-akyat.

I sighed. "I know. Bakit pa kasi naisipan niyong pasalihin ako sa contest na 'yan? Imbes na nagrereview tayo para sa finals, tignan mo ginagawa natin ngayon," irap ko at binuksan na ang pinto ng kwarto ko pagkarating doon.

I can hear the water running inside my bathroom, nagsimula nang magshower si Sojin.

"It's because of your hidden talent! Tsaka ilang beses mo na kaming tinanggihan, 'no," sagot niya at tinapon na ang sarili sa kama ko.

Umirap ako bago umupo sa study table ko, pinapanood siyang nakahiga lang sa kama ko, natahimik sa hindi ko malamang dahilan.

"By the way, pupunta si Ryujin dito?" maya-maya'y tanong niya.

I hummed. "I don't know. But knowing Ryujin, maya-maya nandito na nga 'yon," sagot ko at humikab bago sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri ko. "So ako dapat ang susunod kay Sojin sa shower para mabango ako pagdating niya," usal ko, nangingiti.

I heard her scoff. "I'm not used to seeing you so smiley... and inlove. Ew," sagot niya.

"Ew ka diyan. Bitter ka lang! Nauna pa akong nagka-love life kaysa sa'yo," sagot ko naman pabalik, nang-aasar.

TRY . jinliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon