[ CHOI LIA'S ]
I felt a light tap on my cheek that's why I groaned. Then I heard a soft laugh. It was Ryujin's. Isa pang tapik sa mukha ko ay dahan-dahan ko nang binuksan ang mga mata ko. Bumungad saakin ang mga nakangiting mata ni Ryujin.
"Nandito na tayo," mahinang sabi niya.
I squinted my eyes at natawa siya dahil do'n. Kumunot ang noo ko dahil do'n pero umayos nalang ako ng upo at nag-unat ng katawan. I rubbed my eyes before looking at her again and saw that she was doing the same. I raised one brow at her at umiling lang siya.
"Gaano ako katagal nakatulog?" tanong ko.
"You were alseep the whole time. Buti nalang at maganda yung playlist mo, I didn't mind you sleeping," sagot niya at pinatay na ang makina ng kotse.
Hindi ko muna pinansin ang sinabi niya at tinignan ang nangyayari sa labas. Then there I saw the sand and a vast of blue waters infront of me. Palm trees were swaying and a few people were sitting underneath it.
"Wow..." bulong ko at nauna nang bumaba ng kotse.
The hot sun greeted my skin and the familiar smell of the beach greeted my nose. Ang pamilyar na tunog din ng alon na humahampas sa pampang ay kinamusta ang mga tenga ko.
"Surprise!" masayang bati sa'kin ni Ryujin na hindi ko napansing nasa tabi ko na pala. "We'll watch the sunset here later. Okay lang ba?" tanong niya.
I looked at her with wide eyes. "Niloloko mo ba ako? This is more than okay!" sagot ko.
Ngumiti naman siya. "Buti naman. Pambayad lang for keeping me company through the past few days. You helped me forget things, somehow."
Hindi ko alam kung paano magrereact doon sa sinabi niya. All I know is namumula nanaman ang mga pisngi ko. Buti nalang at mainit dahil may excuse ako kung sakaling mapansin niya 'yon.
I laughed awkwardly. "This is too much. We drove here for hours, sagot mo lahat dahil lang do'n?" I asked.
She pouted. "Huwag mo ngang nila 'lang' 'yon. That means so much to me, you know. You were there when nobody else was. Come to think na hindi naman tayo close no'n," sagot niyang ikinangiti ko naman.
"I think I deserve this, then," sagot ko at nginitian pa siya lalo.
Saglit siyang tumawa. "Yeah. But anyway, tara na. Kunin ko lang yung basket sa back seat," usal niya at tinungo na ang back seat ng kotse niya.
I helped her carry our stuffs. Naglakad kami patungo sa ilalim ng nagdikit-dikit na palm trees. May mga cottage do'n at tinungo namin ang isa. We left our things on the table. I looked around and saw kids playing. Hindi ko mapigilang ngumiti.
"Grabe. Pinaghandaan mo ba 'to?" tanong ko at tinulungan siya sa paglalabas ng mga pagkain sa basket at nilapag 'yon sa mesa. Ang junkfoods ay naiwan sa basket dahil mamaya pa raw 'yon.
"Hindi naman. My parents own this place," maikling sagot niya.
"Sainyo 'to?!" gulat na tanong ko. "Kaya pala ang lakas ng loob mong sabihin na sagot mo na lahat e! Sainyo 'to?" sunod-sunod na sabi ko.
BINABASA MO ANG
TRY . jinlia
Fanfiction❝ In which Lia falls inlove with Ryujin like she just saw her for the first time and Lia will do anything just to get Ryujin's heart. But what plan does destiny have for them? ❞ 𝐑𝐘𝐔𝐉𝐈𝐒𝐔 𝐅𝐀𝐍𝐅𝐈𝐂 ⤷𝐭𝐚𝐠𝐥𝐢𝐬𝐡 [ date started: may 02, 20...