045

91 4 2
                                    

[ CHOI LIA'S ]

Gusto kong tumakbo, magpalamon sa lupa, matunaw, at maiyak nang makita kung sino ang pumasok doon sa pinto. Akala ko... sa mga pelikula at mga libro lang ito nangyayari pero heto't kasalukuyan kong kaharap ang iniiwasan kong mukha.

"Ryu..." si Yuna na gulat din sa mga nangyayari.

I probably look like a fool right now, hinahabol ang hininga kahit na hindi naman nagtatakbo. What do I do? What do I say? Alam kong darating ang oras na maghaharap kami ulit pero hindi ganito kabilis! Kararating ko lang! Gusto ko lang naman ng kape!

Her hair has gotten so long, she has bangs and it was color black. Her eyes are still sparkling—it was sparkling more actually compared the last time I saw her. And her lips I used to kiss... still red as strawberries.

Kumurap ako at umiwas ng tingin, palihim na umiling dahil sa naisip. Seriously, Lia? First time seeing her for years and you immediately think about her lips? Ano ka, teenager pa rin?

"Lia..."

"OMG, this is exciting," rinig ko pang bulong ni Yuna dahilan para mapapikit ako.

Exciting? Ano ang exciting dito?!

"Hi. Long time no see," si Ryujin ulit. Napa-atras pa ako nang makitang humakbang ito paharap, patungo sa direksyon ko.

Hindi ko talaga alam ang gagawin ko!

Lia, you're already an adult! You've encountered much worse than this in the city, you should know what to do!

At dahil hindi ako pinapatahimik ng isip ko, huminga ako ng malalim at hinarap siya, nakangiti. "Hi! Long time no see!"

We ended in good terms—I think but I didn't know seeing her again could be this hard. I admit, I miss her and oh how much I want to run towards her and hug her. She's so pretty. She's always been pretty and it's not helping me right now!

Nakita ko rin ang pagtaas-baba ng dibdib niya. She's nervous. Mabuti nalang at pareho kami ng nararamdaman.

"Um... naka-order ka na?" tanong niya maya-maya, tila nahihirapan.

"Ah, o—"

"Miss Lia!"

"Actually tinatawag na nga ako hehe," parang tangang tinalikuran ko siya nang tinawag ako ng server sa counter. I immediately grabbed my orders in a tray and I almost fainted when I saw how close Ryujin's body was to mine.

"Ay, sorry. Order na rin ako," usal nito at umusog palayo para makadaan ako.

Ngumisi nalang ako at yumuko bago naglakad patungo sa table kung nasaan ang mga gamit ko. Kung hindi pa siguro ako naka-order ay tatakbo ako. Kaso, nakabayad na ako. Nakakahiya naman kay Yuna kung takbuhan ko 'yong order ko.

Doon ako naupo sa upuan kung saan nakatalikod doon sa counter dahil ayaw kong makita kung ano na ang nangyayari.

I was in the middle of messaging Aecha and Sojin when I felt a light tap on my shoulder.

Balisa ko namang nilingon iyon, agad ibinaba ang phone. At ayan na nga ulit ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

Ryujin was smiling at me, the nervousness that I sensed from her earlier long gone. Paano niya nagawa iyon? Habang ako dito'y tila malulugutan na ng hininga dahil sakaniya.

TRY . jinliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon