029

316 19 2
                                    

[ CHOI LIA'S ]

Kumunot ang noo ko dahil sa tanong niya, pilit inaalala ang mga sinabi ko dahil wala na akong maalala. Halos dalawang linggo na ang nakalipas kaya hindi ko na lubos maalala ang mga nangyari o nasabi ko nung araw na 'yon.

"Ang dami mong sinabi no'n pero hindi maalis sa isipan ko 'yon. It kept me up for nights. Is it true?" tanong niya ulit, inalis na ang mukha sa leeg ko.

"Ano ba 'yon?" tanong ko, wala pa ring maalala. "Ang dami kong sinabi no'n, hindi ko na maalala."

I was looking at her face when she blushed after I asked. Then there, a memory flashed into my mind, making me wanna hide.

"Ryujin, I... I love you..."

"Ryujin, I... I love you..."

"Ryujin, I... I love you..."

Natahimik ako, nag-aapoy na ang magkabilaang pisngi. I saw her smile, showing me her whisker dimples.

"Base on your reaction, naalala mo na, 'no?" may bahid na ng pang-aasar ang boses niya ngayon.

"Feeling! Wala na akong maalala!" usal ko bago kinuha ang dalawa kong kamay para takpan ang mukha ko dahilan para matawa siya.

"You know you're not a good liar," usal niya, natatawa bago hinawakan ang dalawa kong kamay na nakatakip sa mukha, pilit inaalis 'yon doon. "Come on, Choi Jisu. Is that true?" pangungulit niya pero pilit pa rin akong umiiwas.

"W-Wala nga akong maalala!"

She sighed but laughed after. "Gusto mo bang ipaalala ko?" patuloy pa rin niyang pang-aasar.

"Ayaw ko! Don't you dare, Shin Ryujin!" sagot ko habang patuloy na dinaramdam ang pag-init lalo ng dalawa kong pisngi.

She hummed, pulling me closer to her. Parang wala na nga yatang space sa pagitan naming dalawa. "Seriously, though. Totoo ba 'yon? It kept me up for nights. Imbes na mapikon ako sa inasta mo noong mga nakaraang araw, parang hindi ko kaya. Lia, is it true?" ang bahid ng pang-aasar sa boses ay tuluyan nang nawala.

I pouted before shyly taking my hands away from my face. Ako naman ngayon ang sumiksik sa leeg niya, nagtago doon.

"I-It's true... I don't know how... I don't know when... but it's true, Ryujin. I-I love you..." I whispered, making sure I said that softly and true.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at sinimulan nang kabahan lalo na nang hindi pa siya sumasagot o ano. Nagpantig ang tenga ko nang marinig ko ang tawa niya kaya inalis ko ang mukha ko sa pagkakasiksik sa leeg niya at binigyan siya ng masamang tingin. "Siraulo ka ba? Ang seryoso ng sinabi ko tapos tatawanan mo lang ako? Gago!" tsaka ako gumalaw para talikuran siya.

"No! Lia!" tsaka siya tumawa, gumalaw para ipatong ang pang-itaas niyang katawan sa katawan kong nakatagilid.

"Joke lang. I'm sorry, kinilig lang ako," pag-amin niya, unti-unti akong pinapangiti.

"Hmp!" usal ko bago iniwas ang mukha sakaniya, dahilan para tumawa ulit siya ng malakas. I rolled my eyes before moving an inch away from her.

"I'm sorry. Please? Kinilig lang ako," usal niya, at kahit hindi ko siya nakikita, alam kong nakanguso na siya.

I rolled my eyes, stopping myself from smiling. "Talaga? Kinilig ka?" I asked, she hummed. "Bakit ka kinilig?" tanong ko, nangingiti pa rin.

"Bakit bawal?" asar niya.

TRY . jinliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon