[ CHOI LIA'S ]
"Aecha, ayaw ko nga. Alin ba do'n ang hindi mo maintindihan?" inis na sagot ko habang inaayos ang mga gamit ko.
It was a Wednesday in the middle of October, at heto ako, pinipilit mag-audition ng mga kaibigan ko para sa contest na mangyayari sa December. It was the last show for the school year maliban na sa Foundation Week na magaganap sa February next year.
"It's your last year here! Make it memorable! Sige na, please! We'll cheer for you naman e!" pilit niya pa habang nakanguso.
"Audition palang naman. Ipagdasal mo nalang na sana hindi ka makuha!" si Sojin naman.
I cringed. "Mag-aaudition ako tapos ipadadasal kong sana hindi nalang ako makuha? Ano ako? Siraulo?" pambabara ko naman na ikinanguso nilang dalawa lalo.
I sighed when Aecha started holding my hand. Niyuyugyog niya iyon nang paulit-ulit. "Please. Ilang beses ka na naming pinagbigyan. Ilang beses na naming pinalampas 'yang hidden talent mo. Kami naman pagbigyan mo ngayon oh? Please, my friend," pamimilit pa niya, konti nalang yata'y maiiyak na.
I sighed for the nth time. "Alam niyong ayaw ko sa ganiyan. You both know I hate attention. Tsaka, paano kung mapahiya ako? Ayaw kong maulit yung nangyari nung five years old ako, 'no!" tanggi ko ulit na iiling-iling pa.
"Choi Jisu for heaven's sake, you were only five years old back then! Hindi na mauulit 'yon! Kaya nga nandito kami para tulungan ka sa magiging journey mo!" si Sojin na parang konti nalang ay sasabog na.
Nung five years old kasi ako ay may sinalihan akong contest sa school no'n. It was a singing contest in my pre-school. Sobrang kinakabahan ako no'n, I was a smart kid so I was aware of what was happening around me. It was my first time kaya sobra ang kaba ko. Sa sobrang kaba ko, I peed my pants on the stage while I was in the middle of performing! Tinawanan ako ng mga audience at imbes na tumakbo paalis sa stage ay nagpatuloy lang akong kumanta hanggang sa maiyak na. That scene was so embarassing, I still get goosebumps everytime I remember it.
"I don't know!" sagot ko at binawi ang kamay ko kay Aecha na kanina pa niya hawak.
Tumayo na ako para salubungin si Ryujin na papunta dito sa mesang inuupuan naming tatlo pero naunahan ako nito at ngayon nga'y nandito na sa mesa namin, nagtatakang tinitignan ang itsura ni Aecha.
"Bakit 'yan?" she asked, while cringing.
Halos mapahilamos naman ako ng mukha nang tignan siya ni Aecha, mangiyak-ngiyak na nakanguso.
"Si Lia kasi!" parang bata niyang sumbong. "Ang daya! Hindi niya kami pagbigyan ni Sojin!"
Before Aecha could even tell Ryujin everything, I tried pulling Ryujin away from our table but she refrained me from doing it. Nanatiling nakatayo do'n si Ryujin, nagtataka pa rin, ayaw magpahila sa'kin.
"What do you mean?" muntik na akong magmura ng malakas nang umupo pa ito sa harapan ni Aecha, iniwan akong nakatayong mag-isa.
I sighed before glancing at Sojin who's grinning already at me, teasing. Umirap ako at bumalik na sa pagkakaupo kung saan nasa kaliwa ko si Ryujin. I covered my face with my hands as I wait for Aecha's next statement.
"Pinipilit namin siyang sumali sa contest sa December! Ilang beses na niya kaming tinanggihan at ilang beses na rin namin siyang pinagbibigyan! Wish lang naman namin ni Sojin na sumali siya this year dahil last naman na," si Aecha, nagsumbong kay Ryujin. Nakanguso pero nakatingin sa'kin, halatang nang-aasar.
BINABASA MO ANG
TRY . jinlia
Fanfiction❝ In which Lia falls inlove with Ryujin like she just saw her for the first time and Lia will do anything just to get Ryujin's heart. But what plan does destiny have for them? ❞ 𝐑𝐘𝐔𝐉𝐈𝐒𝐔 𝐅𝐀𝐍𝐅𝐈𝐂 ⤷𝐭𝐚𝐠𝐥𝐢𝐬𝐡 [ date started: may 02, 20...