011

227 17 1
                                    

[ CHOI LIA'S ]

Back to normal. Isang linggo matapos ang kumalat na issue. The issue died a little bit dahil sa utos na rin ng office. Though, may mangilan-ngilan pa ring pinag-uusapan 'yon. Lalo na nang bumalik sa pagpasok ang dalawa.

Mag-iisang linggo na rin akong iniiwasan ni Ryujin. Pagkatapos kong bigkasin ang mga salitang ayaw ko nang maalala, natahimik kami hanggang sa pag-uwi at eto nga kami ngayon. Nag-iiwasan. I would catch her staring at me sometimes pero agad rin namang iiwas at hindi na masusundan pa. I was heartbroken, alright. Pero ayos naman na siguro 'to. Malapit na ang last semester para sa school year na 'to kaya do'n nalang ako magfofocus lalo na't graduating student ako.

Halos mapahiyaw ako sa gulat nang ilapag ni Sojin ang mga gamit niya sa mesang kinauupuan ko. I was in the canteen, doing my homework as usal and I was alone. Akala ko kasi ay may klase pa ang dalawa kong kaibigan.

I looked at her, annoyed. "Kailangang manggulat?" usal ko tsaka umirap.

Tumawa siya. "Sorry. You look so serious kasi," sagot niya at nagsimula na ring magbuklat ng libro.

"I am serious!" sagot ko at padabog na tinuloy ang sinusulat ko kanina bago pa siya dumating.

"Woah. Calm down, my friend. Bakit ang init yata ng ulo mo ngayong mga nakaraang araw? Tutok na tutok ka na rin diyan sa libro mo, dinaig mo na ako. Anong meron? Care to share?" daldal niya pa.

Umiling ako at hindi siya pinansin. "Wala."

She hummed. "Red days?" tanong niya ulit.

I sighed. "Maybe, maybe not," sagot ko at nagpatuloy pa rin sa pagsusulat.

I heard her sigh. "Okay, Choi Jisu," sagot niya at hindi na nangulit pa. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon.

Saktong pagkaubos ng iced coffee ko ay ang pagtapos ko rin sa sinusulat ko. I sighed in relief and leaned into the chair, stretching my arms. Ibinulsa ko ang ballpen ko at inubos naman ang biscuit na binili ko. Inilibot ko ang mga mata ko at nakitang mangilan-ngilan lang ang estudyanteng nandito sa canteen. Ang iba pa ay tumakas sa mga klase nila.

My assignment wasn't math or science related kaya confident na ako sa sagot ko doon. Hindi ko na kailangan pang ipakita kay Sojin.

"Nasa'n si Aecha?" tanong ko maya-maya kay Sojin.

She answered without looking up. "May klase pa siya," seryosong sagot niya.

I smirked. "Bakit nandito ka? 'Di ba may klase ka pa?"

I saw her brows knotched. "Vacant din namin at wala nang susunod," still, she answered without looking up. Tumango nalang ako kahit hindi niya nakikita. Gusto ko pa sanang bwisitin kaso baka hindi ako pansinin ng ilang araw. Mataas pa mandin pride neto parang si Ry—aish! Stop!

Halos isang oras kaming nando'n ni Sojin. Hinihintay ko siyang matapos nang makareceive ng text galing kay Aecha.

aecha panget:
HINTAYIN NIYO AKO
DITO SA ROOM NIYO AKO HINTAYIN
THX HIHI :***

I cringed. "Hintayin daw natin si Aecha sa may room nila. Tapos ka na ba?" baling ko kay Sojin na nagsusulat pa rin.

"Oo. Saglit lang. Last na," she answered without looking up. Maya-maya naman ay narinig ko na ang pagbagsak ng ballpen niya sa lamesa, a sign that she's done kaya naman inayos ko na ang mga gamit ko at tumayo na habang gano'n din siya.

TRY . jinliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon