010

223 19 0
                                    

[ CHOI LIA'S ]

Hinihingal akong bumaba ng hagdan pagkatapos ng tatlong beses sa zipline. May tatlong level 'yon at tapos na nga kami sa lahat. I enjoyed the last level kahit na ang taas. Sabay kaming dalawa ni Ryujin sa tatlong 'yon dahil by pair naman ang zipline nila dito. Nakatulong din si Ryujin sa pagpapakalma ng takot ko.

"This is so fun! Yet tiring..." hinihingal pa ring sabi ko, sumusunod kay Ryujin pababa ng hagdan.

"Are you hungry?" imbes na sumagot ay tanong niya.

"Yeah, but I'm fine. Tubig lang muna siguro," sagot ko.

I saw her nod. "Magmemeryenda muna tayo at magpapahinga na rin. Kapag hindi na masyadong tirik ang araw, sa may pampang tayo," usal niya.

"Ano naman ang gagawin natin doon?" tanong ko.

"Catch the sunset, duh. That's why I brought you here, dumbass," sagot niya.

"Oh, okay," sagot ko at hindi na sumagot pa dahil sa pagod.

Nang makababa ay dumiretso kami sa cottage para nga magmeryenda. May banana milk at mocha cake na binaon si Ryujin kaya 'yon na ang mineryenda namin. Hindi kami masyadong nag-imikan dahil nga sa pagod kami.

Inayos ko ang buhok ko sa pagkakapusod nang matapos akong kumain. I cringed nang maramdaman ang malagkit na buhok. This is what I do not really like when I'm in the beach. Malagkit ang tubig pati na rin ang hangin.

I glanced at my wrist watch and saw that it's quarter to four already. Maya-maya ay pupunta na kami sa pampang dahil gano'ng oras bumaba ang araw dito.

"You wanna swim later?" napatingin ako kay Ryujin nang magtanong siya.

"I don't know. Tampisaw lang siguro but it depends. Mamaya itulak mo ako sa tubig. Mapapaligo ako kapag gano'n," sagot ko at nakita naman ang ngisi niya.

"Depende," sagot niya at tuluyan nang naubos ang cake.

Iniligpit niya ang mga pinagkainan namin umupo sa tabi ko. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil do'n, naalala kung gaano kahigpit ang hawak namin sa kamay ng isa't-isa kanina nang magzipline. I wasn't used being close to someone like this unless it's Aecha and Sojin.

Tahimik kaming dalawa habang nakaupo, hinihintay lumipad ang oras. Tahimik kaming dalawa ngunit malakas naman ang tibok ng puso ko. Naririnig niya kaya? I hope not.

"Tara na?" tawag niya sa atensyon ko.

I bit my lower lip. "Sure, okay..." sagot ko at kinuha na ang basket kung nasaan ang junkfoods at tela na ilalatag namin sa buhangin mamaya. It was no point alright pero ewan ko ba sa babaeng 'to.

Naglakad na kami patungo sa pampang at inayos na ang tela sa ilalim ng isang palm tree na malapit sa pampang. A perfect place to have a better view of the sunset. Umupo na kaming dalawa.

I leaned into the palm tree's roots and closed my eyes, dinadama ang ihip ng hangin habang si Ryujin naman ay nakaupo sa harapan ko, tahimik din at pinagmamasdan ang mga taong dumadaan.

I opened my eyes and saw the orange skies reflecting in the waters. Pababa na ang araw kaya naman tahimik kong nilabas ang sketch pad ko at gumuhit. I included Ryujin's back detail by detail nang hindi niya alam.

TRY . jinliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon