[ CHOI LIA'S ]
Padarag kong inilapag ang ballpen ko sa study table ko nang matapos ko nang isulat ang essay ng isang subject ko. Pagod kong tinignan ang oras at nakitang alas tres na.
I stood up and took my towel to take a bath. Pupunta pa kasi ako sa computer shop para ipaprint ang reflection paper kong tinapos ko lang kagabi. Ang arte kasi ng subject teacher namin do'n, gusto ay printed. Now I have to go out on a lazy Saturday because of this shit.
Binilisan ko ang pagligo. Parang uulan na rin kasi. I took out my black leggings and a plain white t-shirt. Hindi na rin ako masyadong nag-ayos. Kinuha ko na ang flashdrive, wallet, at cellphone ko. I even took a small umbrella with me just in case it'll rain.
Buong araw akong gumawa ng requirements. Buti nalang ay agad naming natapos ng mga kagrupo ko ang video project namin nung mga nakaraang araw. Bumawas iyon sa iniisip ko. At sa buong araw na 'yon ay wala akong narinig galing kay Ryujin. I didn't bother to text or call her. Kung busy ako, paniguradong busy rin siya. I'm planning to call her later when I get home.
Agad naman akong napahinga dahil sa ginhawa nang makita na ang computer shop. Maya-maya pa ay pumasok na ako at nagpaprint na. I looked around the shop, puro kabataan tulad ko ang nando'n. May ilan pang pamilyar ang mukha pero hindi ko pinansin at naghintay nalang.
Halos magulat ako nang magvibrate ang phone ko. I looked at it and my heart seemed to skip a beat when I saw who it was. Just what I need for today. My vitamin Ryujinie!
Agad kong sinagot 'yon. "Where are you? Nandito ako sa harap ng bahay niyo," bungad niya. Kumunot ang noo ko nang marinig ang boses niya. It sounded so sad.
"Nandito ako sa computer shop. Nagpaprint lang saglit. Bakit?" nag-aalala nang tanong ko.
I heard her sigh on the other line. "Malapit lang ba dito? Sunduin na kita?"
Hindi ako nakasagot agad dahil ibinalik na sa'kin ang flashdrive ko. Kinuha ko ang papel na inabot kung nasa'n nakaprint ang reflection paper ko. I bowed as a thank you before heading to the shop's exit. Umaambon na paglabas ko dahilan para mapanguso ako.
"Lia?" I heard Ryujin in my ear.
I mentally slapped myself. Kausap ko nga pa pala siya! "S-Sorry. Nagbayad lang ako. 'Wag mo na akong sunduin. Hintayin mo nalang ako diyan," usal ko at binuksan na ang payong bago pinatay ang tawag nang hindi na nagpapaalam.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko nang medyo lumakas ang ambon. I have a fucking paper with me and I don't want it wet! Damn it.
Huminga ako ng malalim bago dahan-dahang sumulong sa ambon, pilit itinago ang papel sa ilalim ng t-shirt ko. Napamura pa ako nang lalong lumakas ang ambon. Hell, ulan na 'to! Nagsisimula na akong mabasa.
I cursed multiple times while looking for a shade. Nang makakita ay agad akong tumakbo papunta do'n. Napamura ulit ako nang makitang malapit na ako sa'min. Natigil naman ako nang magvibrate ulit ang phone ko. Sinagot ko naman agad 'yon para masabi ang sitwasyon ko kay Ryujin.
"I'm sorry. Naabutan na kasi ako ng ulan. Nasa waiting shed ako malapit na sa bahay. Hindi ako makasulong dahil meron yung reflection paper ko, baka mabasa pa kapag ginawa ko 'yon. I'm sorry, hintayin mo lang ako diyan," sunod-sunod na sabi ko pero maya-maya pa ay pinatay niya ang tawag.
BINABASA MO ANG
TRY . jinlia
Fanfiction❝ In which Lia falls inlove with Ryujin like she just saw her for the first time and Lia will do anything just to get Ryujin's heart. But what plan does destiny have for them? ❞ 𝐑𝐘𝐔𝐉𝐈𝐒𝐔 𝐅𝐀𝐍𝐅𝐈𝐂 ⤷𝐭𝐚𝐠𝐥𝐢𝐬𝐡 [ date started: may 02, 20...