003

315 24 0
                                    

[ CHOI LIA'S ]

I sighed for the nth time. Nandito ako sa canteen, ginagawa ang assignment ko sa isang math subject na pinapasukan ko. Kanina pa ako nandito pero hindi ko pa rin makuha-kuha ang sagot. Kulang nalang ay tawagin ko si Sojin para magpatulong.

I was alone. Busy ang dalawa kong kaibigan. Vacant ko kaya naman naisipan kong gawin 'tong assignment ko para hindi na ako matambakan ng gagawin.

It was three days after the surprise party. Three days after I saw that kiss. And I've never felt so awkward tuwing makakasalubong ko sina Yeji sa hallway. Ryujin's eyes would look for mine pero pilit kong iniiwasan iyon at hindi sila pinapansin tulad ng dati. It's not that we're close but Ryujin knows me now somehow.

At hanggang ngayon ay wala pa rin akong sinasabihan ng nakita ko. Maski kay Aecha at Sojin. I wouldn't get anything if I go around and tell everyone about it, anyway. It's our last year in high school and I don't want a drama that involves my name.

Nagtitipa ako sa calculator nang marinig ang pamilyar na tawa ni Chaeryeong. Umangat ang tingin ko at agad nakita ang mga mata ni Ryujin. Silang dalawa lang ni Chaeryeong ang magkasama at wala si Yeji o Yuna.

My heart beated fast. They were walking towards my table. I panicked. Hindi ko alam kung aalis na ba ako magsstay pa ako dito sa inuupuan ko!

Sa huli ay nanatili akong nakaupo. Kunwari'y hindi alam na nasa iisang kwarto lang kami. Thanks to my assignment because I somehow forgot about Ryujin's existence and the fact that they were just four tables away from mine.

Napangiti ako nang makuha na ang sagot. I was still not sure though if it's correct. Buti nalang at meron si Sojin na kaibigan ko. Pinapakita ko kasi muna sakaniya ang mga gawa ko at saka lang ipinapasa kapag sinabi niyang ayos na.

Niligpit ko na ang mga gamit ko bago tumayo para bumalik na sa classroom. I was about to walk when I heard my name.

"Lia!" it was Chaeryeong.

I bit my lower lip before turning back and facing them. "Yes?" I smiled awkwardly.

Nakita ko silang nakatayo na rin. Nililigpit ang mga pinagkainan. I stood there awkwardly, waiting for what Chaeryeong was about to say.

"Babalik ka na sa room?" she asked.

"Uh... oo. Bakit?" sagot ko.

Nakita ko siyang ngumiti. "Sabay na ak- kami pala," tsaka siya natawa saglit dahil sa pagkakamali niya.

My heart skipped a beat at that. "Sure!" sagot ko at tinignan si Ryujin na kakabalik lang pagkatapos ibalik ang tray ng pinagkainan sa counter.

Hinintay ko silang dalawa na makarating sa kinatatayuan ko at naglakad lang paalis do'n nang makatabi na sila. Chaeryeong was in the middle of Ryujin and me, thankfully.

"Ano yung ginagawa mo kanina?" tanong ni Chaeryeong habang paakyat kami ng hagdan para matungo ang floor ng room namin.

"Assignment lang," tipid na sagot ko at humigop sa tinake-out na iced coffee.

"Yung binigay kanina?" tanong niya pa.

"Yes. Ginawa ko na para konti nalang gagawin ko," sagot ko at ngumiti ng tipid.

TRY . jinliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon