012

224 18 1
                                    

[ CHOI LIA'S ]

My phone kept beeping but I ignored it. I was about to ignore her text again when I heard a knock on the door. Kumunot ang noo ko dahil do'n pero tumayo pa rin ako dahil baka maagang natapos sa trabaho si Papa.

"Pap— Ryujin?" I looked at the girl infront of me. She was wearing her black pyjamas and a white sweater. May dala pang backpack!

She grinned awkwardly. "You weren't answering my texts and calls so..." she shrugged.

I sighed and opened the door wide for her. She gave me a shy smile before going in. Isinara ko ang pinto pagkapasok niya and watched her shyly walk to the sofa. My heart fluttered when I saw her staring at my baby picture. Hinaplos niya pa iyon.

Umiwas ako ng tingin nang mamalayang nakangiti na pala ako. I faked a cough. "Anong pag-uusapan natin?" I asked, catching her attention.

"Uh... pwede bang kalimutan nalang natin yung nangyari nung nakaraan?" maliit ang boses na tanong niya.

Bumaba ang mga balikat ko dahil doon. "I'm sorry about that... hindi ko dapat sinabi 'yon. Nadala lang ako, pasensya na. I'm sorry for making things awkward between us. Our friendship was just starting but I already pulled out a card like that, I'm sorry," malungkot na sabi ko at nakayuko pa.

I heard her sigh. "It's alright, I guess. Pasensya na rin kung umiwas ako ng ilang araw," si Ryujin.

I bit my lip and continued looking down. "Okay lang. Naiintindihan ko naman," sagot ko.

My heart raced when I saw her walking towards me. Lalo pang bumilis 'yon nang iangat niya ang mukha kong nakayuko. I saw her small beautiful smile, telling me everything's alright. I stared into her eyes and saw sparks on it. Umiwas ako ng tingin nang maramdaman ang konting pag-ikot ng mundo ko, tila ba nahuhulog sa isang malalim na patibong.

"You're cute when you do that," nakangising sabi niya.

My cheeks flamed. "Do what?" tanong ko.

Binitiwan niya ang baba ko and I immediately missed the heat of her skin touching mine. "All that blushing and avoiding glances," sagot niyang nagpainit lalo sa mga pisngi ko.

Kumunot ang noo ko bago ako lumayo sakaniya. I can't bear with the tension her body brings when she's near me. Tinungo ko ang sofa at umupo doon bago ipinagpatuloy ang panonood. But I can't focus on the drama knowing Ryujin's just near me.

Naramdaman kong lumubog ang parte ng sofa sa tabi ko maya-maya, ibig sabihin ay naupo si Ryujin do'n. I gulped.

"May ibang rason ako kung bakit ako nandito," si Ryujin. I nodded without looking at her. "Hindi mo ba tatanungin kung ano 'yon?" tanong niya pa.

I sighed. "Ano?"

Nagulat ako nang pumunta siya sa harap ko, may nakalahad na pamilyar na libro. "Calculus," sagot niya pang malaki ang ngiti, nang-aasar.

I rolled my eyes. "Can we do that later? Do'n tayo sa kwarto ko, hintayin nalang natin si Papa," sagot ko.

She grinned widely. "Okay!" atsaka bumalik na sa tabi ko, nanood na rin.

TRY . jinliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon