034

244 23 0
                                    

[ CHOI LIA'S ]

Pagkatapos na pagkatapos ng event ay dumiretso kami agad sa paborito kong kainan. We were all complete. Si Papa, Ryujin, Aecha, at Sojin. Ryujin's going to sleep over in our house again, I tried calling Aecha and Sojin but unfortunately, hindi sila nakapagpaalam.

"Hindi pa rin ako makapaniwalang naka-second place ka, gosh!" si Aecha habang paubos na ang pagkain sa plato niya.

I smirked while looking down on my food. "And it's all because of you and Sojin. Hindi ko magagawa yung mga 'yon kung wala yung tulong ninyong dalawa," usal ko at kinindatan siya.

"Yes naman. What are friends for?" sagot niya naman.

Tumawa ako ng kaonti. "Kaya after or before finals, ililibre ko kayong dalawa. What do you think?" tanong ko.

"Silang dalawa lang?" bago pa sila makasagot ay sumingit si Ryujin na nakalimutan kong katabi ko pa pala, nakanguso. Kanina pa siya abala sa pakikipag-usap kay Papa. Hindi na ako nakinig dahil kasama ko naman ang dalawa kong kaibigan. All I know was they kept on watching my video on Papa's phone.

I giggled because of her cuteness. "Yes," sagot ko.

Lalong humaba ang nguso niya. "Why?"

"E kasi, lagi na kayong magkasama niyan! Tignan mo, magkatabi ulit kayong matutulog ngayong gabi. Pahiram naman ng time niyang Lia mo kahit isang hapon lang," si Sojin na kanina pa tahimik dahil abala sa pagkain.

"Hindi mo kailangang magsungit!" si Aecha kay Sojin.

"Hindi ako nagsusungit! Nakakain lang talaga ako hihi," sagot niya pabalik kay Aecha dahilan para mapa-iling nalang ako sa dalawa kong kaibigan bago hinarap si Ryujin.

"They're right," usal ko, nakangisi pa rin.

Umirap siya. "Fine, fine. Basta kasama ako sa mga group study niyo next week, okay?" sagot niya habang nakatingin din sa dalawa kong kaibigan na tinanguan naman siya.

"Yes naman! We have Lia and Sojin, our secret weapon!" si Aecha habang nilahad ang palad para makipag-high five kay Ryujin na parang bata namang pinatulan ni Ryujin. Tumawa ako at tumingin kay Sojin na nakatingin rin sa'kin. Sabay kaming tumawa bago umiling at pinagpatuloy ang pagkain.

My two friends went home immediately nang dumating na ang service nina Sojin pagkatapos naming kumain. Kami naman ay agad sumakay ng kotse. Ryujin had her car with her kaya siyempre, doon ito sumakay. Nakasunod lang ito saamin ni Papa.

The ride with Papa was noisy. Hindi niya pa rin siya makapaniwala sa nangyari. Wala naman akong ginawa kundi makinig sakaniya at magpasalamat sa suportang ipinakita niya kanina.

"Sa'kin na 'tong trophy mo, ha? Ididisplay ko sa kwarto namin ng Mama mo," kindat ni Papa oras na makapasok kaming tatlo sa bahay.

"Whatever you wanna do, Pa," usal ko at ngumisi ng maliit.

He smiled before nodding. "We should all rest na. Especially you. Goodnight, kids," paalam niya at nauna nang umakyat ng hagdan.

"Goodnight," sabay naming sambit ni Ryujin na nasa likuran ko dahilan para lingunin ko siya.

She was smiling behind me, making my heart melt for the nth time today. Humakbang ako palapit lalo sakaniya at tinitigan siya sa mukha, hindi na alam ang sasabihin dahil sa sobrang pagod.

TRY . jinliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon