Kabanata 1

477 14 5
                                    

Sayawan

"Avery, tara! Sayaw tayo!" anyaya sakin ng pinsan kong si Carla.

Nasa pavilion kami ngayon ng katabing bayan kung saan nakatira sila Mama. Malapit na kasi ang fiesta dito kaya gabi gabing may sayawan. Unang gabi, para sa beer plaza. Inuman lang 'yon. Tatlong gabi ang para sa sayawan pero ang panghuling gabi ay para na sa matatanda, senior citizens.

"Ate, lambutan mo pa! Ang tigas naman ng katawan mo e!" si Chris, ang pinakamagaling na dancer. At least sa paniniwala nya.

"Nasa competition ba tayo at kailangan kong itodo ang giling ko?"

"Kahit na! Nakakahiyang makipagsayaw sayo, para kang tuod!"

"Edi dun ka sa poste makipagsayaw!"

Malakas ang kanta na nagmumula sa malalaking speaker ng pavilion. Nagpapalit palit din ang kulay ng ilaw dito. Para kang nasa disco bar! Pero bawal ang alak sa loob.

Maraming tao ngayon. Ang ilan ay mga local. Ang ilan ay dayo. Ang ilan ay dating dito nakatira pero lumuwas sa Manila tapos umuwi ulit ng Bicol para sa fiesta. Parang kami ni Chris.

"Chris, ang galing mo pala sumayaw! Dancer ka ba sa Manila?" kumento ni Carla, ang pinsan naming kaedad ko.

Nakita ko naman kung paano biglang lumaki ang ulog ng kapatid ko.

"Nako, siguro marami kang sinasayaw doon?" si Ate Maricar naman ang nagbigay ng kumento nya, kapatid ni Carla.

Hinayaan ko lang sumabay ang katawan ko sa ritmo ng kantang pinatutugtog ng DJ. Maingay ang paligid at tanging ilaw mula sa disco lights lang ang nagsisilbing ilaw ng lugar at ilaw mula sa buwan. Kumpol kumpol ang mga tao sa dance floor, sinusulit ang entrance fee na binayad.

Maya maya ay naramdaman kong may humalo sa bilog na ginawa namin nila Chris, Carla, Ate Maricar, at ilang kakilala ni Ate Maricar.

Pumagitna ito sa amin ni Carla. Nanghahamon ang bawat galaw nito dahilan para harapin ko sya.

Patuloy lang sa pagsayaw ang lalaki habang pinapaliit ang distansya namin. Sinasabayan ko ang paggalaw nito. Nang hindi na makapagpigil ay hinawakan nito ang baywang ko at matalim akong tinignan. Ramdam ko ang pagpisil ng makalyo nyang kamay sa baywang ko.

Nagkaroon ako ng pagkakataon para suriin ang kabuuan nya. May kahabaan ang wavy nitong buhok. And his bedroom eyes shines everytime the lights hit it. His small eyebags add beauty in it. Matangos din ang ilong nito. Nahiya ang Mayon sa pagkaperfect ng shape! At ang kulay rosas na labi nito ay parang nanghahamon. Mukhang malambot at nakakaayang tikman.

I pout. Sana ganoon din ka-pink ang labi ko. Bakit ba kasi ang putla ng akin?

"Bro, hands off," may diin sa mga salitang iyon ng kapatid ko.

Agad namang inangat ng lalaki ang mga kamay nya mula sa baywang ko. Parang sumusuko sa krimeng nagawa.

"Sorry," bumaling ito sa kapatid ko at saka ulit tumingin sa akin. Ngumiti pa ito bago tuluyang umalis sa dance floor. Naiwan akong tulala habang pinapanuod syang lumabas sa kumpol ng mga nagsasayawan.

"Hoy, ate! Kung makabawal ka sa akin kanina na makipagsayaw sa hindi kilala, ikaw pala itong unang bibigay!" pangaral ni Chris.

"Ang epal mo talaga kahit kailan 'no!" napairap na lang ako sa pagiging epal ng malambing kong kapatid.

Narinig ko naman si Carla na tumatawa lang. Maya maya pa ay nagbago ang ritmo ng tugtog. Naging mabagal ito hudyat na wala nang puwang sa dance floor ang mga single.

Bumalik na lang kami sa pwesto namin kanina kung nasaan si Tita Beth.

Pinanuod namin kung paano inangkin ng mga couple ang dance floor. May lumapit din sa pwesto namin para ayain si Ate Maricar na magsayaw ng sweet dance. Sumama naman ito. Siguro ay boyfriend nya 'yon. Hindi naman sya pinigilan ni Tita.

One Summer in Bicol ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon