Kabanata 15

149 8 0
                                    

San Juan

"Nakita ka ba nya?"

Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy ni Neil. Pero tumango si Jacob dito bilang sagot. Walang emosyon ang mukha.

"Anong nangyayari?" naguguluhang tanong ko.

Tahimik naman sa loob at nakita kong nagsasaya lang ang mga tao. Wala naman sigurong gulong nangyari?

"Sya ang may gawa nyan sayo 'no? Anong sinabi mo sa kanya, Jacob?" this time si Carla naman ang nagtanong.

"Tinanong nya ako kung gusto ko ba si Avery," tamad na sagot ni Jacob.

Naramdaman ko na naman ang mga paru-paru sa tyan ko. Natabunan ang pag-aalala ko ng kilig. Bakit ka ganyan, Jacob?

"Pano na ngayon yan, Prime?" si Neil.

"Pwedeng pa-explain ng pinag-uusapan nyo? Nakaka-OP e."

Magsasalita na sana si Jacob nang may tumawag sa amin ni Chris at Carla. Si Tita Beth. Nagpaalam na lang kami kay Neil at Jacob at iniwan sila doon. Taranta na naman kasi si Tita Beth. Kahapon pa sya ganito kaya nagkakapagtaka lang.

Hinintay na lang namin maubos ang bisita. Hindi ko alam kung kanino magtatanong ng nangyari. Mukhang wala naman kasing nangyari kung babasehan ang emosyon sa mukha ng mga tao. Masaya lang sila.

Nang maubos ang tao ay naisip kong pumunta sa likod nila Tita. Umaasa akong nandon si Jacob. At hindi naman ako bigo.

"Hey."

"Hey."

"Buti nandito ka."

"Pupunta na kayong San Juan bukas?" tanong nito.

Naupo ulit ako sa duyan. Hindi pa naman ganoon kadilim ang paligid. Papalubog pa lang ang araw.

"Oo. Doon muna kami. Mga 3 days. Bakit?"

"Can I kidnap you?" tanong nito habang tumatabi sa akin sa duyan.

"Kidnapping pa ba yun kung may consent? Tanan na yata tawag don," biro ko.

"First night ng sayawan bukas sa San Juan. I'll kidnap you."

"Saan tayo pupunta?"

Hindi ito nakasagot. Naalala ko yung pasa nya kanina.

"Ano palang nangyari kanina, Jacob? Bakit may pasa ka?"

"Nothing. Don't worry about it."

"Anong don't worry e nasaktan ka. Sinong nanakit sayo ha? Sabihin mo. Pagtutulungan natin yon. Anong karapatan nyang saktan ka? Dudumihan pa nya ang gwapo mong mukha, huh?"

"Really? You find me handsome?" nakangiti nitong tanong.

Ang dami kong sinabi yun lang pinansin nya.

"Yes! You are... Pero ano ngang nangyari?"

Nakita kong lumawak ang ngiti nito sa labi. Unti unti nya na namang tinaas ang kamay nya at sinandal sa likod ko.

"I'm trying to get you... Can you run with me, Avery?" seryosong tanong nito. Nagtatagisan kami sa titigan.

Gusto kong sumagot ng oo. Gusto ko, Jacob. Gusto kong takasan ang buhay na 'to. Pero hindi sa ganitong paraan ako dapat tumakbo. Hindi kasama mo.

"Baliw ka na, Jacob."

"Maybe, I am."

"Ay kala ko sasabihin baliw ka na sakin," biro ko pa dito. Naramdaman ko kasing bumigat ang atmosphere.

Nagulat naman ako nang unti unti nya akong yakapin patagilid. Ang kamay nyang nakasandal sa likod ko ay nakayapos na ngayon sa akin. Ang isa pa nyang kamay ay kinukulong ako. At ang ulo nya ay nakapatong sa balikat ko.

Halos matuod ako dahil sa ginawa nya!

"J-jacob. May problema ba?"

"I like you, Avery. And I don't want us to be like them."

I like you too, Jacob. Gusto kong sabihin. Pero hindi ko kaya.

"Sino, Jacob?"

Lalong humigpit ang yakap nya sa akin. Nawiwirduhan na ako kay Jacob, sa totoo lang. Hindi kaya lasing tong isang to?

Hinawakan ko ang braso nyang nagkukulong sa akin.

"Jacob."

Nag-angat ito ng ulo at saka ako pinakawalan sa bisig nya.

"Do you like me, Avery?"

Muli na naman akong natuod!

"I.. I-i... like you too, Jacob."

I like you but I'm afraid I'd have to leave you soon.

"Thank you," was his answer. I don't know what's that for.

"But Jacob... soon... magkakahiwalay din tayo. We should not let this feeling grow."

Alam ko ring masyadong mabilis. Kakakilala lang namin. But Jacob is not hard to like. He's such a gentleman with concrete goals in life. He is everyone's friend here. Wala kang makikitang kalait lait sa kanya. And most specially, sa kanya ko naramdaman ang pagmamahal ng isang lalaki na hindi ko na makita kay Papa. He's the kind of guy who cares for me unlike my own dad.

Is it too much to ask for Jacob's company?

"You just ruined the moment, Avery," natatawa nitong sabi.

"Sorry hehe."

Tumayo na ito at tumalikod sa akin.

"I'll kidnap you tomorrow," lumingon ulit ito sa akin at ngumiti.

"See you tomorrow, Mr. Kidnapper!"

One Summer in Bicol ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon