Pipiliin
"Ang hirap naman itago."
Wala kaming gaanong gagawin ngayong araw bukod sa maglinis ng bahay ni Lola at mag-igib. Kaya naman pilit kong bine-braid ang buhok ko. Pero kahit anong gawin ko, kita pa rin ang lymph.
"Ako na nga mag-iipit sayo," prisinta ni Carla.
"Hindi na. Kaya ko na 'to."
Nakakailang ulit na rin kasi ako, siguro isang oras na ako dito sa harap ng salamin. Nangangawit na nga ako e. Nako, Jacob, things I do for you!
Pero sa huli ay sinukuan ko rin. Maganda pa rin naman ako kahit nakalugay ah.
Matapos maglinis ng bahay ay kumain na rin kami. Hindi katulad nang mga nakaraang araw ay kumpleto kami ngayon. Sila Tita Beth at ang pamilya nila. Si Berting at ang pamilya ni Tito Dondon. Asawa at apo lang ni Tito Dondon ang kasama nya. Maya maya ay dumating din si Ninong Nestor. Ang Uncle nila Mama.
Nag-uusap sila tungkol sa dadating na fiesta. Mukha kasing isang handaan lang ang mangyayari. Si Tito Dondon ang magluluto at tutulungan sya nila Tita Beth at Ninong Nestor. Bukas daw ay dadating ang ilan pa naming Tito at Tita na nasa Manila at ibang barangay.
"Ay, maalala ko pala, napanuod kita kagabi, Avery ha. Ang galing nyo sumayaw nung anak ng congressman," natatawang sabi ni Ninong Nestor. "Nanliligaw ba sayo yun?"
Halos mabuga ko ang iniinom kong tubig sa diretsong tanong ni Ninong. Nakita ko namang nag-aabang ng sagot ang iba pa naming kasama maliban kay Chris na walang pakialam. Pero sa kanilang lahat si Tito Dondon ang pinakatutok sa akin.
Nakakatakot ang tingin nya. Para akong malulusaw sa kinauupuan ko. Kaya siguro ganoon na lang din ang takot ni Mama sa kanya.
"Ah. Hindi po. Magkaibigan lang po kami," pagtatanggol ko.
"Aw amu. Akala ko nililigawan ka nya e. Dinig ko sa Manila din nag-aaral yun."
At ang dami pang sinabi ni Ninong. Ang daldal nya at ang kwela. Malayo sa seryoso at masungit na lalaking katabi nya. Si Tito Dondon.
Matapos kumain ay inako ko ulit ang paghuhugas ng pinggan. Dahil wala nang gagawin ay naisipan ni Carla at Chris na manuod ulit ng mga pirated dvds. Romantic movie ang pinanunuod nila at bitter na bitter naman si Carla. Si Chris naman ginawang comedy ang movie. Tawa sya nang tawa.
"Sa likod muna ako," paalam ko sa kanila pero hindi naman nila ako pinansin.
Pumunta ko sa likod ng bahay nila Tita at naupo sa duyan. Nakita ko na naman ang mahiyaing bulkang mayon. I browse my gallery and tried to edit some pictures. I used a preset that compliments the other pictures I posted on my instagram account before.
Mabagal ang signal pero tyinaga kong i-upload ang ilang pictures namin sa IG. Pictures namin iyon sa Kawa Kawa Hill. Pati ang picture namin ni Jacob sa trono ni St. Valentine ay sinama ko.
Maya maya ay nakita ko na si Jacob palabas ng parang gubat na dinaanan namin noon papuntang ilog. Siguro ay may daan doon papunta sa bahay nila.
Nakasuot naman sya ngayon ng plain gray shirt at white shorts. May suot na naman syang white cap na may tatak ng sikat na brand.
"Hi," bati ko dito.
"Hey."
Akala ko ay tatayo sya sa gilid ng puno ng buko katulad ng lagi nyang ginagawa. Nagulat ako ng tabihan nya ako sa duyan. At dahil maharot si Avery, hindi ko rin naman sya pinigilan.
"Wala bang hangin sainyo, Jacob? Bakit dito ka nagpapahangin?"
"May hangin sa amin. Pero walang Avery doon."
BINABASA MO ANG
One Summer in Bicol ✔
Romantizm(EDITING) Avery Anne Barrameda is a Manila girl who has symptoms of a disease that may end her life if not treated. Afraid to know her real condition, she refused to undergo some tests. And to run from this tragic story of her, hoping to live normal...
