Kaibigan
Pagsakay ko sa motor ni Jacob ay agad din namang sumunod si Tita Beth na pumwesto sa likod ko.
"Avery, humawak ka kay Jacob," paalala ni Tita.
"Sige po, Tita."
Ginawa ko naman ang sinabi ni Tita. Pero sa balikat lang ako humawak. Alangan namamg ipulupot ko ang braso ko sa baywang nya? Edi nasabunutan ako ni Tita Beth.
Nang maayos na ang pagkakaupo ni Tita ay pinaandar na ni Jacob ang motor nya.
Nadaanan namin ang palayan kung saan sila nag-aani kahapon. Ang waiting shed. Ang makipot na kalsada palabas ng San isidro at ang kalsadang dinadaan ng mga bus. Parang highway. Nakita ko rin ang mahiyaing bulkan. Nakatago na naman sya sa mga ulap.
Hinayaan ko lang dumampi sa balat ko ang hangin at bahagyang inaangat ang buhok ko.
Napapikit ako at inamoy ang pabango ni Jacob. Grabe ang bango nya. Narealize ko tuloy na ang amoy bata ng mga kaklase kong lalaki sa Manila. Sure bang probinsyano 'tong isang 'to? Not that hindi mababango ang mga taga probinsya. Pero yung pabango nya. Parang hindi ka makakabili nun sa mga probinsya e.
Sa pababang daan ay hindi ko naiwasang isandal ang katawan ko sa likod nya. Grabe ramdam ko yung init ng katawan nya!
"Avery," may diing sabi ni Tita Beth. Tumuwid naman ako ng upo. Di ko alam na conservative pala si Tita parang si Mama!
Nakita ko namang kumurba ang labi nito.
Nang makarating na kami sa People's Market ay pinarada ni Jacob ang motor nya sa parking lot. O terminal yun ng motor? Ang daming motor doon e. Tapos nakatambay lang ang mga may-ari doon sa gilid. May mga nagkukwentuhan sa gilid. May naglalaro ng tansan sa sahig.
"Salamat, Jacob," sabi ni Tita saka nag-abot ng bayad dito. Pero tinanggihan yun ni Jacob.
"Amu na tabi, Auntie."
"Kunin mo na. Naabala ka namin e."
"Di man. Kayun ko man babaklun tabi. Hintayin ko na rin po kayo," alok nito.
Dumiretso na si Tita sa loob ng palengke at sumunod ako. Nakita ko naman si Jacob na tumawid ng kalsada. Saan kaya sya pupunta? Akala ko ba may bibilhin sya? Eh bakit papunta syang Park?
"Manay Beth, sisay kang keba mo?" tanong ng binilhan ni Tita ng karne.
"Si Avery. Akus ni Manay mo Ed at Manoy mo Agosto," sagot ni Tita.
"Aw amu? Pag-una ko kay Alma kang akus. Kawung baga nyang maramay."
"Magayun man baga si Ed."
"Ay amu baga. Magayun man si Manay Ed pero kawung syang maray ni Alma. Pag-una ko tulus kayun nang asawa ni Alma."
"Sus man ika. Di na gayud katud mag-asawa."
"Mamatay na basang di man nadiligan kadtung si Alma."
Saglit pa silang nagkwentuhan ni Tita Beth. Naglibot libot pa kami ni Tita para makabili sya ng ulam. Bumili din sya ng Pancit Bato. Pagtapos sa palengke ay nagpunta kami sa grocery store at bumili ng snacks, biscuits at mineral water. Dumaan din kaming botika para makabilk ng gamot ni Lola.
Pagtapos ay dumiretso na kami sa parking ng People's Market kung nasaan ang motor ni Jacob.
Pagdating namin doon ay wala pa sya kaya saglit pa kaming naghintay ni Tita.
"Nasaan na kaya si Jacob, Tita?"
"Baka may dinaanan lang yun. Baka yung kaibigan nya."
"Lalaki po?"
BINABASA MO ANG
One Summer in Bicol ✔
Romance(EDITING) Avery Anne Barrameda is a Manila girl who has symptoms of a disease that may end her life if not treated. Afraid to know her real condition, she refused to undergo some tests. And to run from this tragic story of her, hoping to live normal...