Kabanata 7

158 8 6
                                    

Ilog

"A, sa susunod na lang kayo pumunta ng Kawa Kawa. Baka kasi mabinat ka kapag umakyat kayo."

Nasa hapag na kami ngayon at kumakain ng tanghalian. Ngayon dapat kami pupunta sa Ligao pero dahil nilagnat ako kahapon ay hindi kami natuloy. Ayaw pumayag ni Mama. Baka daw mabinat ako.

Wala naman na akong nagawa. Kaya ninamnam ko na lang ang ulam naming laing. Talagang niluto ni Tita ang request kong ulam.

Matapos kumain tumulong ulit ako sa paghuhugas ng pinggan.

Naisipan naman ni Chris at Carla na manuod ng mga pirated CDs. Wala naman kasing netflix dito. Ang signal dito ay para sa may mga mahahabang pasensya lang. Kaya hindi ko sila masisisi kung pirated ang mga pinanunuod nila.

Dahil ayaw ko ng palabas ay nagpaalam akong pupunta na lang sa likod para magduyan.

Nakita ko na naman ang payapang tanawin. Puro berde ang paligid. Sariwang hangin. Tahimik na lugar.

Payak lang ang pamumuhay ng mga tao dito. Pero masayahin at magkakaibigan ang mga tao. Para ngang lahat ng tao dito magkakamag-anak e. Magugulat na lang ako Tito ko pala nasa harap ko. Pinsan ko pala yung nasa dance floor. Kahit malayong pinsan na, pamilya pa rin ang turing. Minsan pinsan ng pinsan ko na yung tao, pero pamilya pa rin.

"You're here again."

Halos mapatalon ako sa gulat ng may magsalita. Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses.

Sabi nya hindi sya madalas dito kaya hindi ko sya inaasahan ngayon.

"Jusme, Jacob. Kung may sakit ako sa puso baka inatake na ako dahil sayo. Buti na lang hindi sa puso ang sakit k--"

Hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko. Nilingon ko na lang si Jacob at pinagtaasan lang ako ng kilay nito.

"Akala ko ba hindi ka laging nandito?"

"That was before."

"Eh bakit ngayon nandito ka? Hindi naman sa pinapaalis kita. Masaya nga ako na nandito ka e. Pero bakit?"

"I like the view here," tamad nitong sabi.

Minsan madaldal sya. Minsan hindi. Ang hirap nya i-spell.

"Ako rin. Pero mas maganda siguro ang Mayon kung malapit, 'no?"

"That's not what I'm talking, but yeah. Maganda ang Mayon sa malapit."

"Nakapunta ka na ba sa Legazpi. Sa Mayon?" tanong ko.

"Yeah. Why?" sagot naman nito.

"Gusto ko rin pumunta don. Maganda ba?" usisa ko.

"Yeah," tamad na naman nyang sagot.

"Gusto kong maggala. Tapos i-film lahat ng pwedeng puntahan. May naiisip akong plano. Feeling creative ako ngayon e."

Ang feeling close ko lang na pati ang plano ko ay ibabahagi ko sa kanya. Pero ayos lang. Humahaba ang usapan namin dahil dito. Sana lang interesado sya, 'no?

"Film?" nagtatakang tanong nya.

"Yeah. Actually hindi ko naman hilig yun dati. Noong nagcollege na ako saka ko lang nagustuhan ang pagfilm," pagbabahagi ko.

"You're a college student," kumento nya.

"Yes. 2nd year college sa pasukan. Ikaw, Jacob? Nag-aaral ka pa ba?"

"I'm a degree holder. Pero mag-aaral pa ulit ako."

Tumango tango ako sa sagot nya. Ang studious naman nya.

One Summer in Bicol ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon