Kabanata 10

144 10 3
                                    

Braid

"Good morning, A! May bisita ka. Tumayo ka na dyan!"

Dahan dahan kong dinilat ang mga mata ko nang gisingin ako ni Ate Maricar.

Ang aga aga may bisita?

"Sino ba yun, Ate Maricar? Ang aga naman. Pwede bang mamaya na lang. Balik na lang sya."

"Si Jacob."

Agad akong tumayo nang marinig ang pangalan nya. Halos matumba tumba pa ako sa pagmamadali. Dumiretso agad ako sa CR para maghilamos ng mukha.

Pagtapos ay lumabas ako sa salas. Mukhang nasa kusina sila Jacob. Humarap ako sa salamin at sinuri ang mukha ko. Mahirap na baka ma-turn off pa si Jacob.

Paalis na ako sa harap ng salamin ngunit muli kong pinasadahan ng tingin ang sarili ko.

Mas lumalaki na ang lymph sa leeg ko.

Sinubukan kong i-braid ang buhok ko katulad ng laging ayos nito bago ako nagkaroon ng lymph.

Nangangalahati pa lang ako ay tinigil ko na. Kitang kita ang lymph kapag nakatali ang buhok ko. Ang sad naman!

"Ang panget," bulong ko sa sarili ko. Nakakapanlumo.

"It looks good."

Halos mapatalon ako sa lalaking nagsalita. Oh, good Lord, ang aga kong sinalubong ng magandang creation Mo.

"J-jacob."

"Good morning," bati nito habang nakangiti. Bahagyang lumiit ang mata nyang mukhang inaantok.

Fresh na fresh ito sa umaga. Suot muli ang white v-neck shirt nya at black fitted shorts.

"G-good morning. Ang aga mo. Anong meron?"

"I told I'll see you."

"A, kumain ka muna," tawag ni Tita Beth.

Agad kong tinanggal ang pagkakatali ng buhok ko. Sinuklay ko ito gamit ang mga daliri ko at nagtungo na sa kusina kasabay ni Jacob.

"Auntie Beth... Sa Centro na sana kami kakain," si Jacob.

Agad namang namilog ang mata ko sa sinabi nya.

"Ganun ba. Osige. Umuwi din kayo bago magtanghalian ha."

Sinenyas sa akin ni Jacob ang labas ng bahay. Doon nakaparada ang motor nya. Pinaandar nya ito at minwestrang sumakay ako.

Pagdating sa Centro ay huminto ito sa isang canteen.

"Tatlong order tabi ng Pancit Bato, Ate Nang," sabi ni Jacob sa babaeng nasa counter.

Naupo kami malapit sa bintana sa lamesang apatan. Maya maya ay dumating na din ang order nyang Pancit Bato.

"Bakit tatlo? Favorite mo ba ang Pancit Bato?" usisa no.

"He's late," sagot nito matapos tumingin sa relo nya. Ikinakunot naman ng noo ko ang naging sagot nya.

Maya maya ay humahangos na dumating si Neil at naupo sa tabi ko. Kaharap namin si Jacob.

Nakasuot si Neil ng simpleng black T-shirt. Bagay sa kanya ang dark color na shirt dahil sa puti nya.

Katulad ko. Hindi ako nagsusuot ng puti dahil baka akalain na talaga ng mga tao e white lady ako!

"Good morning, A!" maligayang bati nito sa akin.

Bumaling ang tingin ni Neil kay Jacob at saka ito ginawaran ng malaking ngiti.

One Summer in Bicol ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon