Kabanata 4

193 10 7
                                    

Munggo

"Avery! Tumatawag ang mama mo!"

Narinig ko ang malakas na sigaw ng pinsan ko. Akala mo nasa kabilang purok ako kung makasigaw e!

"Saglit lang!" paalam ko dito. Saka ko binalingan si Jacob na prenteng prente pa ring nakatayo sa gilid ng puno.

"Sige, Jacob. Maiwan na kita ha! Kita na lang ulit tayo sa sayawan mamaya! Tapos sayawan mo ulit ako," I chuckled.

Agad akong pumasok sa bahay nila Tita para makausap si Mama sa cellphone. Wala na doon si Carla.

"Avery! Kumusta kayo dyan ni Chris?" pangangamusta nito.

"Okay lang kami dito sa Australia, Ma. Kamusta naman kayo dyan sa Pilipinas? Natanggap nyo ba ang padala kong mabagong sabon pero hindi agad nawawala ang bula?" natatawa kong sabi kay Mama.

"Anong Australia? Bakit kayo nasa Australia?!"

"Joke lang ma! Kung mangamusta ka kasi parang ang layo layo namin. Mabuti naman po kami dito. Inaalagaan kami ni Tita Beth at Lola. Ikaw, Ma? Kumusta ka po dyan?"

"Okay lang kami dito. Unti unti naman nang bumabalik sa dati ang katawan ng papa mo. Araw-araw pa rin syang nagte-therapy. At syempre ang maintenance nya."

I rolled my eyes hearing her answer.

Hindi talaga sya kayang pabayaan ni Mama. Nag-leave pa si mama sa trabaho para lang sa kanya.

"Ikaw, Ma. Ikaw po ang kinakamusta ko."

"Avery..." malambing nitong tawag sa akin. Narinig kong nagpakawala ito ng hangin bago muling nagsalita. "I'm fine. I'm taking care of my self. Please do the same, A."

"Yes, Ma. I will."

"Kung may desisyon ka na, Avery, tell me asap. Kahit hindi nyo na tapusin ang bakasyon dyan."

Oh, here we go again.

"Yeah, Ma. I'll tell you asap. By the way, pwede ba kaming gumala bukas?" pag-iiba ko ng usapan.

"Saan kayo pupunta?"

"I don't know yet. I'll ask Tita Beth."

"Okay. Tell me first bago kayo pumunta don ha. At bumisita ka rin sa Lolo mo sa San Juan."

"Okay."

Matapos noon ay binaba ko na ang tawag. Lumipat ang tingin ko sa kapatid kong naka-dekwatro pang nakaupo sa harap ko. Tinaasan ako nito ng kilay. Tinalo nya ang paka-arche ng kilay ko.

"What?"

"She said take care of your self," malamig nitong sabi.

"I am."

"Taking care of yourself includes staying away from strangers."

"Yes, dad," I teased him.

"I'm not like him, Ate," malamig nitong sabi.

Oh. I thought I'm alone hating my own dad.

"Whatever, Christer!"

And by that, he started shouting again. Pikon!

Iniwan ko na si Chris doon at lumabas ng bahay nila Tita Beth. Nakita ko si Tita na nag-iigib ng tubig sa poso para kay Lola.

"Tita tulungan ko na po kayo."

"Nako, wag na. Ako na lang kaya ko na 'to. Baka mapagod pa ang maganda kong pamangkin."

"Alam ko naman po 'yun, Tita," I chuckled.

One Summer in Bicol ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon