Bisperas
"Hindi pa ba kayo nagsasawang sumayaw?"
Nagmamaktol na naman si Carla samantalang dati sya 'tong laging nanghihila sa akin sa dance floor. Nilipat ko ang tingin ko sa dance floor para makita ang mga nagsasayaw ng sweet dance doon. Natagpuan ng mga mata ko ang dalawang magkapares na malawak ang ngiti sa mga labi. Kaya pala nagmamaktol na naman ang katabi ko.
"Gusto mo bang umuwi na tayo?" anyaya ko. Kaysa naman nagmamaktol sya sa tabi ko diba.
"Oo nga, Ate Carla. Umuwi na lang tayo," nagulat ako nang sabihin iyon ni Chris.
Aba, ang mga dancers ng pamilya himalang walang gana sumayaw ngayon.
"Magperya na lang tayo kung ayaw nyo na sumayaw," suhestyon ko.
May perya malapit sa pavilion. Bakante kasi ang lugar kaya nagtayo ang mga taga-perya. Ilang laro lang iyonnat wala namang rides. Pero mag-eenjoy ka pa rin pwera na lang kung matalo ka sa laro.
Lumabas kami ng pavilion kasama si Dang. Naglaro kami sa isa doon. Ang laro ay mamimili ka ng mula sa anim na kulay. Ilalagay mo ang taya mo doon sa halagang hindi bababa sa limampiso. Kapag lumabas mula sa 3 dice na ihahagis ang kulay na napili mo ay dodoble ang tinaya mo. Kapag hindi, kukunin ng nagpapalaro ang taya mo.
Una akong naglagay ng bente pesos sa kulay pink. Si Carla naman ay sa blue sa halagang sampu. Si Chirs ay bente sa kulay pula. Si Dang naman ay nanunuod lang. May iba pang naglagay ng taya nila sa iba't ibang kulay. May nakita pa akong naglagay ng perang papel doon, kulay violet at yellow pa.
Risk takers!
Lumabas ang kulay pula at dalawang pink sa tatlong dice. Ang bente pesos ko ay naging sixty. Si Chris naman ay naging forty. Narinig ko ang mamaktol ng lalaking naglagay ng isandaan sa blue. Tuwang tuwa maman ang naglagay ng 500 sa pula. Syempre, easy money. Nang makabawi ay naglagay ulit ng isandaan sa kulay pula ang lalaking natalo kanina.
Mukhang natuto na si Kuya kaya imbis na sa blue sya maglagay ay nilipat nya sa red. Nanalo naman sya at hindi na tumaya ulit.
Sugal pa rin ang larong ito, after all. Kaya hindi dapat magpakain sa laro.
Pero ang magaling kong kapatid tumaya pa rin sa panlimang set ng laro. Mukhang nagugustuhan nya ang pagkapanalo nya ha! Kapag yan naubos ewan ko lang kung hindi rin sya magmaktol.
Nagulat ako nang may maglagay ng kulay asul na perang papel sa dalawang magkatabing kulay. Red at blue. Ibigsabihin ay 500 para sa red, 500 para sa blue. Kung walang lalabas sa dalawang kulay na yan ay 1000 agad ang mawawala kanya.
Tinignan ko ang naglagay non. Si Neil. Seryosong nakahawak ang kamay nito sa gilid ng baywang nya at kagatkagat ang kanyang pang-ibabang labi.
Nag-apir sila ni Chris nang lumabas ang dalawang blue at isang green. Parang wala rin. Binawi nya lang ang pera nya. Parang nilapag nya lang don para sabihin may ganoon kalaki syang pera. Tho alam kong hindj ganoon ang dahilan ni Neil.
"Naglalaro ka rin pala sa ganito," bungad sa akin ni Neil.
"Ah saglit lang. Nanunuod na lang ako ngayon," paliwanag ko.
"Oh, Neil. Kaya pala gabi gabi ka nandito kahit malayo bahay nyo e," biro sa kanya ng isang lalaking naglalaro din saka tumingin sa akin.
Nginitian ko lang ito kahit deep inside gusto kong itaas ang kilay ko hanggang bunbunan."Ah, Oo. Nakakaadik kasi e," natatawa namang sabi ni Neil.
Hindi ko na inintindi ang pinag-uusapan nila at nanuod na lang sa mga naglalaro. Hindi na ulit tumaya si Neil at nanuod na lang din. Si Carla at Chris naman ay panay ang taya. Bawat talo ay bumabawi lang sila.
BINABASA MO ANG
One Summer in Bicol ✔
Romance(EDITING) Avery Anne Barrameda is a Manila girl who has symptoms of a disease that may end her life if not treated. Afraid to know her real condition, she refused to undergo some tests. And to run from this tragic story of her, hoping to live normal...