Albay
"Ang creepy."
Seryosong nakatitig si Chris sa lumang simbahan ng Daraga Albay. Sabi ni Neil, ito daw ang Cagsawa Church. Ang iconic na simbahan malalpit sa Mayon, 'yun nga lang, tuktok na lang nito ang makikita mo.
"It's cute! It gives me 80's vibe... or more on, Spanish vibe. Parang 'yung mga simbahan lang noong panahon ng Espanyol," sabi ko while taking pictures of the place.
"Bakit ganyan ang hitsura nyan?" tanong ni Chris na para bang may mali sa hitsura ng nakalubog na simbahan.
"Well, sabi ni Lola, natabunan daw yang simbahan ng lava noong pumutok ang Bulkang Mayon. Dyan din nag-evacuate ang mga tao noon. Nasa 1,200 katao ang natabunan ng lava at kasamang lumubog ng simbahan. That was the worst volcanic eruption according to history. Ngayon, iyan na lang natitirang nakatayo at inaalagaan pa rin ng management. You know, to remember that event happened in the past. In memory na rin ng mga taong namatay during that eruption," mahabang paliwanag ni Neil.
Naglibot kami. I filmed the place. Ang nostalgic lang noong lugar!
Nag-rent din kami ng mud truck para libutin pa ang lugar. Rocky and matarik ang daan that adds thrill to the adventure. I was the ond driving kung saan si Jacob ang nasa likod ko. Nakahawak sya sa baywang ko. I was wearing his favorite white cap. Chris is partnered with Carla, tapos si Neil at Ate Maricar naman ang partners.
May nadaanan din kaming ilog using the mud truck kaya sobrang ingay ni Chris. He's enjoying the thrill.
May mga kainan din at hotels sa malapit. Sa isang restaurant kami nananghalian. Bumili lang kami ng bicol express and laing.
"Ang ganda pala dito sa Daraga. Parang ang sarap ikasal dito," wala sa sariling sabi ko.
May mga nakita kasi ako sa internet na dito nagpakasal or nagpre-nup shoot. Mayroo pa ngang kinasal kung kailan naggaganap ang volcani eruption e. Ang cute lang!
Narinig kong napaubo si Neil. Tinignan ko sya na umiinom ngayon ng tubig habang ang mata ay na kay Jacob. Nakayuko lang si Jacob habang kumakain. Tinignan ko ang iba pa naming kasama. Chris is just eating like there's no tomorrow. Si Carla naman at Ate Maricar ay saglit na nagkatinginan.
Ang weird lang nila. Tho hindi ko sure kung sila ba 'yung weird dahil nagkakaintindihan sila sa mga tinginan, o ako yung weird dahil may hindi ako ma-gets?
--The next day, nagpunta kami ng Cagmanaba Beach Resort. Nagrenta si Tito Dondon ng isang jeep kaya kumpleto kaming magpipinsan. Although wala na si Tita Alma dahil bumalik na sya agad ng Manila after ng fiesta sa San Isidro.
Medyo delikado nga lang ang daan papuntang beach dahil zigzag ang daan tapos paatas pa. Kita mo 'yung bangin na paglalaglagan nyo kapag nagkamali ang driver.
Halos magtatanghali na nang makarating kami doon. Nagrenta lang kami ng isang cottage na may ihawan. Malaki ang cottage plus may malaki pang espasyo sa tabi nito kaya pwede na para sa buong pamilya namin.
Mayroon ding nagpaparenta ng kubo at karaoke sa ibang bahagi ng resort. Walang ibang babayaran bukod sa cottage kaya naman sulit ang pagpunta.
Napakalinaw ng kalmadong tubig dagat. White sand pero hindi kasing pino nang sa Boracay. Puno din ng cottage at coconut tree ang paligid. May mga naggagandahang limestone din sa dulong bahagi ng lugar. Sabi nila may entrance fee na daw doon kaya hard pass.
Nagfilm muna ako ng lugar saka ko naisipang lumubog sa tubig after kong maglagay ng sunblock.
Hindi ganoon ka-crowded ang lugar kaya masarap magbabad at lumangoy kahit malayo.
BINABASA MO ANG
One Summer in Bicol ✔
Romance(EDITING) Avery Anne Barrameda is a Manila girl who has symptoms of a disease that may end her life if not treated. Afraid to know her real condition, she refused to undergo some tests. And to run from this tragic story of her, hoping to live normal...