Gabi
Umangkas ako sa motor ni Jacob at nang masigurong nakaayos na ako ay agad nya itong pinaandar. Narinig kong tinatawag ako ni Chris pero kumaway lang ako dito habang nakatalikod pa rin. Narinig ko ang marahang pagtawa ni Jacob.
"Saan tayo pupunta, Jacob?"
"To the place we can call ours."
Hinayaan kong dumampi sa aking pisngi ang malamig na hanging sinasalubong namin. Walang gaanong dumadaan na sasakyan sa lugar. Gabi na at may kadiliman ang kalsada dahil sa mahihinang ilaw ng street lights. Tinanaw ko ang Bulkang Mayon na ngayon ay nagtatago sa dilim ng lugar.
Bahagyang binilisan ni Jacob ang pagpapatakbo ng motor nya kaya napahigpit ang pagkakakapit ko sa kanya. Nang makarating na sa Centro, akala ko ay hihinto na sya pero niliko nya ang motor sa daan na hindi ko pa napupuntahan.
"Jacob hindi mo naman siguro ibebenta ang lamang loob ko no?"
"What?!" natatawa nyang sabi.
Ilang kanto pa ang nilikuan namin. Hindi na pamilyar sa akin ang lugar. Madilim na din ang daan at tila tulog na ang mga tao.
Hininto ni Jacob ang motor sa tapat ng isang malaking gate. Sinundan ko lang sya nang pumasok sya doon. At halos malaglag ang panga ko sa nakita. Ramdam ko rin ang pangangatog ng paa ko.
"Jacob! Anong pinaplano mong gawin sa akin?!"
Tumawa lang ito sa naging reaksyon ko saka ipinatong ang braso nya sa aking balikat.
"Calm down. May ipapakilala lang ako sa'yo."
Lumakad kami papasok ng lugar at huminto sa tapat ng isang gate na mas maliit kaysa nauna. May ilang kandila doon na nakasindi. Sa itaas ay may nakasulat na "Bermundo". Makikita sa ibabaw ng muwebles ang retrato ng isang lalaking sa tingin ko ay Papa ni Jacob. Malaki ang ngiti ng lalaki doon na may hawak na bola. Nakasuot ng blue na jersey shirt ang lalaki at mukhang nakaakbay sa isang babae. Cropped ang picture ng babae kaya hindi ko gaanong nakilala.
Nilingon ko si Jacob na mukhang kanina pa nakatingin sa akin.
"Bakit mo ako dinala dito?" tanong ko.
Imbis sumagot ay hinarap ni Jacob ang himlayan ng ama. Nakita kong lumunok muna ito bago nagsalita.
"Pa, salamat. Salamat sa hindi paglaban noon para ako naman ang makalaban ngayon," makahulugan nyang wika.
Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko. Ilang piraso ng puzzle ang unti unting nabubuo sa isip ko na gusto kong iwaglit.
"Jacob," tawag ko sa kanya. "Alis na tayo."
Tumango ito at muling pinatong ang braso sa balikat ko. Mahina nyang pinisil ang balikat ko. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga para pakalmahin ang sarili.
Muling nagdrive si Jacob sa kahabaan ng diversion. Tahimik kami buong byahe. Tumigil lang ito sa tapat ng isang palayan. Sa gitna noon ay may isang kubo. Pumasok kami doon at nagsindi si Jacob ng ilaw sa gasera.
"Kaninong bahay 'to, Jacob?"
Ilang segundo ang lumipas bago ito sumagot.
"Them."
Sa isang salitang iyon ay napakaraming tanong ang tumakbo sa isip ko. Higit sa lahat ng iyon ay ang tanong na bakit namin ginagawa ito.
Binuksan din nya ang mga bintana na ginamitan ng kahoy pangtukod upang may hanging pumasok. Hindi ganoon kalaki ang kubo. Sasapat lamang ito sa dalawang tao. Tahimik at malayo sa ibang kabahayan ang lugar. Kung ang bahay nila Lolo Oscar sa San Juan ay matatawag na tinago, mas mukhang tinago ang kubo na pinagdalhan sa akin ni Jacob.
![](https://img.wattpad.com/cover/222138027-288-k906858.jpg)
BINABASA MO ANG
One Summer in Bicol ✔
Romance(EDITING) Avery Anne Barrameda is a Manila girl who has symptoms of a disease that may end her life if not treated. Afraid to know her real condition, she refused to undergo some tests. And to run from this tragic story of her, hoping to live normal...