Kabanata 34

128 7 0
                                        

Choose

She hugged him.

Nagulat ako sa ginawa ni Avery nang makita nya ang ama. Nakita ko syang naupo sa tabi nito sa isang bench na may katabing lamp post. Iginala ko ang mata ko habang nasa loob ng kotse. Isa iyong parke na malapit sa bahay nila dati. Madilim na ang paligid pero tanaw ko pa sila dahil sa ilaw na nagmumula sa lamp post at buwan. Tahimik lang silang nag-uusap doon. Ah, hindi. Nakaupo lang sila. Hindi bumubuka ang bibig. Maya't maya ang tinginan nila, hihingang malalim pero hindi magsasalita. Nakikita ko rin kung paanong ngumingiti si Avery sa pagitan ng pagtitinginan nila.

Maya-maya ay umiiyak na si Avery. Pinunasan nya ang luha. Lumabas ako ng kotse at akmang lalapit na sa kanila, but I stopped midway. He hugged her, tight. Avery cried on his chest. Kita ko ang pagtaas-baba ng balikat ni Avery. He caressed her hair at maya't mayang pinupunasan ang mat ani Avery. Tinanaw ko na lang sila mula sa pwesto ko at sumandal sa kotse.

Napayuko na lang ako nang matanto kung gaano kabait si Avery para patawarin ang ama na ilang beses syang sinaktan. I felt proud marrying the kindest woman.

Pagtingin ko ulit sa kanila ay nagtatawanan na sila. Mr. Barrameda stood up and offer his hand to Avery. Inabot yun ng asawa ko at saka sila sabay na naglakad patungo sa pwesto ko. Tumuwid ako ng tayo.

"I missed the opportunity to give her hands on you on the Altar, man. But yeah. Here's my daughter. Take of care of her. Ah, no. I'm sure you will," Mr. Barrameda said and smiled at me. He tapped my shoulder twice before he nods. "Do not repeat my mistake. Sagot ko na diapers ng apo ko."

They both laughed at that. I remember, iyon ang in-offer nya kay Avery nung binigyan nya ang asawa ko ng pera para umalis sa bahay nila. I smiled at Mr. Barrameda and said, "Thank you, sir. I'll do better."

He scoffed. "Tawagin mo na akong Papa." Natigilan ako at mukhang napansin nya 'yon. Kailan ba ang huling beses na may tinawag akong Papa? "Well, kung gusto mo lang. Pero ring tito kung hindi ka kumportable basta wag lang sir—"

"Sige po, P-pa." The word felt foreign in my tongue.

Tumango lang ito saka ulit niyakap si Avery. He kissed the top of her head saka nagpaalam sa amin. Avery turned to me and hugged me.

"I love you," she whispered. Ibinaon nya ang mukha nya sa dibdib ko. I hugged her tight saka hinele. "Uwi na tayo. Gusto ko ng buko, Jacob."

Kumunot naman ang noo ko. "Buko? Avery it is already 8 pm for pete's sake!"

She raised her head saka ako sinimangutan. "Isusumbong kita kay Papa ayaw mo akong bilhan ng buko."

"What?!"

"Jacob, buko please. I'm craving."

"Sa Bicol madami."

Hinampas nya ako sa braso saka ngumuso. "Dali na, Jacob!"

I sighed as a sign of defeat. "Alright. Maghahanap ako."

"Gusto ko yung fresh."

My jaw dropped. Saana ko hahanap ng fresh buko sa Maynila?!

Tawa nang tawa si Manolo habang inaabot sa akin ang pakwan at saging na pinabili ko sa kanya dahil may kilala daw syang supplier ng mga prutas galing pang Bataan. Everyday iba ibang prutas ang hinahanap ni Avery. She becomes moody. Minsan ay malambing sa akin, minsan ay galit. Madalas din syang magrequest ng isang round ng sex bago matulog. Pero kapag malapit na ako, biglang aayaw na. Damn that girl, does she know how hard it is kapag nabibitin? I sometimes go to office with blue balls because of her. Tatawanan lang nya ako.

"Grabre, man. I remembered sabi mo you will never be whipped over that crazy woman. Look at you. You looked stress!" He said, nakangiwi pa.

Tinapunan ko sya ng masamang tingin. "Inggit ka lang. Hindi ka pa rin sinasagot ni Shelle, ilang taon ka nan gang nanliligaw? Ah, 5 years."

One Summer in Bicol ✔Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon