Kabanata 14

140 8 0
                                    

Fiesta

Kinabukasan ay araw na ng fiesta. Nagising ako sa ingay ng speaker ng kapitbahay namin. Wala na rin si Carla sa tabi ko. Si Chris naman ay mahimbing pa ring natutulog.

"Oh, A, gising ka na pala. Nandoon sa kusina sila Tita mo. Magmano ka sa kanila."

Tumungo ako sa kusina at tulad ng sabi ni Lola ay nandoon ng ilang kamag-anak namin. Natanaw ko rin sa labas ang ilang batang nagtatakbuhan. Mukhang mga pinsan ko sila.

Isa isa akong nagmano sa mga nasa kusina.

"Ikaw na ba yung panganay ni Ed? Ang laki mo na ha. Noong umalis kayo dito ang liit mo pa. Kasing laki mo labg iyong mga pinsan mong nagtatakbuhan sa labas."

"Nasaan ni Mama mo, Be? Bakit hindi umuwi?"

"Kamusta na si Papa mo? Nakakalakad na ba ulit sya?"

"Sinong kasama nyo nung umuwi kayo?"

"Kailan ang balik nyo sa Manila?"

"Dumaan ka na ba sa kabila? Sa lolo mo sa papa mo?"

"Nagpunta kayo ng sayawan kagabi?"

"Kumain ka na, ne?"

At marami pang tanong mula sa kanila. Sinagot ko naman ang bawat tanong.

Nasa 4 na pamilya ang nasa bahay ngayon ni Lola. Ang iba sa kanila ay abala sa pagluluto, ang iba naman ay nakaupo lang at nakikipagkwentuhan. Naupo ako doon at nakinig sa mga usapan nila.

"Ne, may boyfriend ka na?" tanong ng isa kong tita na kamukhang kamukha ni Mama.

"Wala pa po."

"Nako, hindi ako naniniwala. Bakit hindi ka pa nagbo-boyfriend. Ganyang edad mo e nagliligawan na kami ng tito mo," natatawa pa nitong sabi.

"Wala pa po sa plano ko, Tita," nakangiti kong sabi.

Ang tagal po kasi ni Jacob e. Kahit halik, hindi pa nakakahalik sakin. Ay

"Para ka palang sila Tita mo Alma. Puro ka aral tignan mo hindi na nagkapamilya."

"Ayos lang naman, Ate. Masaya naman ako kahit walang pamilya," agap naman ni Tita Alma.

"Nako magtayo ka na ng samahan nyong mga single. Isama mo tong si Avery."

Nagtawanan na lang sila doon. Bakit ba ako ang laman ng usapan? Wala rin naman pong kasintahan si Carla at Ate Maricar a?

Maingay ang bahay at mukhang buhay na buhay. Hindi katulad ng mga nakaraang araw na tahimik ito. Kaya naman kita ko kay Lola na masaya sya ngayon. May pagka-emosyonal pa nga. Siguro ay bihira lang kung bumisita sila Tito at Tita kay Lola kaya ganoon na lang ang reaksyon nito nang makita silang nagtitipon sa kusina.

Maya maya ay gising na rin si Chris. Sinabi ko sa kanyang magmano sya sa mga tita at tito namin. Agad namang ginawa ni Chris ang sinabi ko. Matapos magluto ng mga ito ay inayos na ni Ate Maricar at Tita Beth ang mahabang lamesa sa bahay ni Lola. Ang iba ay sa labas kumain. Ang iba ay sa kubo. Ang iba naman ay kasama namin sa lamesa. Ang ilan pang bisita galing kabilang bayan na dala ng isang jeep ay nasa salas.

Ganit daw dito kapag may Fiesta sabi ni Carla. May mga sakay ng jeep ang dadayo para makikain. Ang iba ay malayo nang kamag-anak na nag-aya ng kapitbahay para makikain. Parang halos lahat nga sila e kamag-anak. Lahat ng nakatatanda sayo ay dapat mong bigyan ng mano. Halos mapudpod na ang noo ko kakamano sa mga bisita at sa mga dumadating pa.

Marami pang pinakilala sa akin si Tita Beth mga kakilala, malayong kamag-anak, kaklase dati ni Mama. Hindi ko na nga masundan ang mga pangalan nila.

One Summer in Bicol ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon