Kawa Kawa Hill
"Done filming?"
After filming and capturing the place naupo ako sa tabi nya. Naghagis ako ng bato sa ilog. Wala naman na kasi kaming ginagawa kaya pinaglaruan ko na lang ang mga bato.
"Yeah."
"May I see?"
Inabot ko sa kanya ang phone ko at hinayaan syang husgahan ang mga kuha ko. I think kailangan ko rin ng opinion ng ibang tao. Kung anong tingin nila sa kuha ko. Opinion as viewer. Parang ganon.
"I think this one's pretty. But this one... it's too bright. Mataas ang exposure," Sabi nito habang palipat lipat ang pictures.
Tinutukoy nya ang kuha ko sa ilog. Kinuhanan ko kasi ng retrato ang kabuuan ng ilog kung saan makikita mo ang cliff, ang mga puno sa itaas na bahagi, ang palikong direksyon ng tubig at ang maliit na kubo.
"Hmmm. Yeah. Masyado ngang bright itong isa. Maa-adjust naman natin yan. Saka marami naman akong kuha so marami akong choices."
Tumango tango ito sa akin at saka ulit nagtingin ng mga pictures.
"Pero as much as possible sana natural lang ang kuha. Para mas ma-appreciate ng mga tao ang natural beauty ng lugar. Minsan kasi mas gumaganda nga ang picture because of filter and presets pero hindi na yung natural na hitsura at kulay ng nasa picture ang nakikita ng tao."
"What are you going to do with these, by the way?"
"Promotional tools. I want to promote Bicol. Feeling ko kasi Bicol deserves more appreciation from people, from tourists. Makakatulong iyon sa probinsya mismo. I feel like there's more to Bicol na pwedeng ipakita sa mga tao. Hindi lang nakukulong sa Bulkang Mayon."
"And with these?" tanong nito nang makita ang pictures na kasama sya.
"Oh. Sorry. Ang ganda kasi ng view. At mas maganda kapag may tao. Alam mo yun. Dagdag element sa picture. Ayaw mo ba na kasama ka? Pwede ko namang burahin. Kaso sayang."
"It's okay. But next time, ask consent."
"Noted, Sir!" sabi ko. "Okay lang ba kung maging model kita?"
Tango lang ang sinagot nito.
"Walang talent fee ha! Hindi naman ako nagtatrabaho under an agency e. Gusto ko lang i-treasure yung mga lugar at memories dito. Gusto ko lang ding may iwan."
"It's fine. Pero anong gagawin mo sa promotional tools?"
"Hmmm... Propose sa Department of Tourism?"
"I know someone who can help us," offer nya.
"Let's go?"
Natapos ang araw na hindi natatanggal ang ngiti sa labi ko. Iba ang epekto ni Jacob sa akin! Plus, the idea na makakasama ko sya sa iba pang lugar. Naexcite tuloy ako bigla para bukas!
It's already 2 pm nang makarating kami ng Centro. Marami kami dahil kasama namin ang mga kaibigan ni Carla. Iyong mukhang triplets pero hindi. Hindi na sumama si Tita Beth sa amin. Wala daw kasing kasama si Lola dahil wala na naman si Berting sa bahay.
Almost 30 minutes din ang byahe sa jeep papuntang Ligao. Malayo iyon at ilang bayan din ang nadaanan naming pero dahil wala kami sa Manila, mabilis ang naging byahe.
Unang sumalubong sa amin sa paahan ng Hill ay ang malaking simbahan na may malaking rebulto ni Mary. May mga souvenir shops din doon at ilang tindahan ng sweets.
"Kuya, magkano po ang isang cup ng ice cream?" tanong ko sa tindero.
"Dyis man sana kang pinakamaliit."
BINABASA MO ANG
One Summer in Bicol ✔
Romance(EDITING) Avery Anne Barrameda is a Manila girl who has symptoms of a disease that may end her life if not treated. Afraid to know her real condition, she refused to undergo some tests. And to run from this tragic story of her, hoping to live normal...
