Stand
She must have been hurt so much. The way her eyes shine now is far from the way it is four years ago. Her hair is short, and her body become thinner than before. I watch her crane her neck and stretch her arms. She'd yawn everytime she stops typing on her desktop.
"Malusaw yan, Sir ha! Baka mawalan ng best friend ang bb Shelle ko!"
Kunot-noo kong hinarap si Manolo. "Bb? Is that an endearment?"
"Yes, sir. Parang baby, na ginawang bb. Mas cute daw pakinggan sabi ni Shelle e. You know girls like baby talk."
"They do?" I asked, shocked. "You mean Shelle na taga Marketing Dept? 'Yong mabilis na nalasing sa Chill Top last time? Is she your girl?"
"Soon, sir! Claiming it!" his energy is undeniable. "Medyo usisero ka d'on, Sir ha," sabi nya saka humakbang palayo sa akin ng isa. Akala siguro masusuntok ko sya. "Pero alam mo, Sir, galaw galaw ka na dyan! Mahirap kalaban ang anak ng Board kahit HR Manager ka, wala kang palag d'on."
"Sa'yo meron. Gusto mong ma-deport sa Bulacan?" tanong ko na nagpatayo sa kanya nang maayos.
"Sir! Ikaw naman! Gusto mo lunch bukas? Ayain ko si Shelle. Sabihin ko ayain din nya si Ms. Barrameda."
Tumango pa sya sa akin at ngumisi. "You better do it, Manolo."
Humalukipkip sya saka lumapit sa akin para bumulong ng, "Incentives lang, Sir, okay na!" tapos nag-thumbs up sya.
Kumuha ako ng papel malapit sa akin saka pinulumpon. Akmang ihahampas ko na sa kanya nang magsalita ulit sya.
"Sir! Sir oh! Tignan mo!"
Tinuro nya 'yong side ng Marketing Dept. na nasa kabilang dulo ng samin. Tanaw sa pwesto namin si Avery na kausap ang head nya, na anak ng isa sa mga director na si Martin. Pareho silang nakatayo kaya kahit nasa bandang dulo ay kita ang tawanan nilang dalawa. Napahigpit ng hawak ko sa papel na nakapilipit.
"Nako, Sir! May nag-aani na ng palay doon oh." Pumalatak sya saka humarap sa akin. "At may bulkang nag-aalburoto na pala dito."
Tinapunan ko ng masamang tingin si Manolo saka hinampas sa kanya ang papel sa braso.
Muli kong tinignan ang pwesto ni Avery. Nag-uusap pa rin sila ni Martin. Napakahaba naman yata ng usapan na yan! Nakaka limang minuto na sila hindi pa rin tapos?
Hirap magselos ng walang karapatan. Fuck!
Lunch time came. Nakatitig lang ako sa lunch na dala ko. Battling with myself if I'd give it to her. Damn, ang hirap pala manligaw. I never did this before. Saka uso pa ba ang ligawan ngayon?
A folder landed on my table. Inangat ko ang tingin sa lalaking naglapag n'on. Manolo again.
"What?"
"Basahin mo, Sir. Alam kong pasasalamatan mo ako," sabi nya sabay kindat.
Naiiling akong binuksan ang folder. Otomatikong napangiti ako sa nakita. Tinignan ko ulit si Manolo na nakangisi ngayon.
"You're welcome, sir! Basta sagot mo lunch natin bukas!"
"Parasite."
He held his chest, acting hurt. "That hurts, Sir! Nagiging maparaan lang. Tight budget e."
"Oo na. Umalis ka na sa harap ko, Manolo."
"Sure, bb Jacob!" sabi nya using his baby talking voice.
Manolo has been a friend of mine since I came in this company, three years now to be exact. He is normally a jolly type of person that is easy to go along with. Parang si Neil lang na less vain. And I guess this guy is like me. We both like girls younger than us.
BINABASA MO ANG
One Summer in Bicol ✔
Romance(EDITING) Avery Anne Barrameda is a Manila girl who has symptoms of a disease that may end her life if not treated. Afraid to know her real condition, she refused to undergo some tests. And to run from this tragic story of her, hoping to live normal...
