Kabanata 23

149 6 0
                                    

New House

True to his words, lumipat kami sa mas maayos na bahay sa Ligao. Hindi ko alam kung saan nakuha ni Jacob 'to.

Katulad ng bahay ni Lola ay maliit lang ito. Isang palapag lang at hindi pa napipinturahan. Simple lang ang disenyo ng bahay subalit mas maayos ang source ng tubig at kuryente. May mas maayos ding higaan at upuan. Kaunti lang ang gamit, halatang matagal ng hindi nagagamit ang bahay. Mataas ang kisame na napupuno na ng agiw. Dalawang kwarto, maliit na kusina at isang banyo lang ang meron. Hindi na ako maghahangad ng mas magarbo. Sapat na sa akin ang ganito.

Kung ikukumpara sa bahay namin sa Manila na alam mong dinapuan ng karangyaan na bahay subalit magulo at maingay, mas gugustuhin kong tumira sa simpleng bahay na ito makuha lang ang katahimikang inaasam.

"Bukas makikiani ako kina Mang Nato," sabi ni Jacob habang nililinisan ng agiw ang kisame.

Napalunok ako dahil parang may nakabara sa lalamunan ko. Topless si Jacob na abala sa paglilinis na mas lalong nagpapadepina ng hubog ng katawan nya.

Ramdam kong umakyat ang init sa pisngi ko nang maalala ang kababalaghan kagabi. Mabuti na lang talaga walang dumaang manananggal at hindi narinig ang ingay ko.

Pero mas ikinapula ng pisngi ko ang mga ungol at salitang binitawan ko kagabi. Ramdam ko pa nga ang sakit sa ibaba dahil una ko 'yon!

Now that he mentioned it, kakailanganin nga namin ng pera. Naitabi ko pa 'yung binigay sa akin ng maging kong tatay. Hindi ko binawasan 'yun para sana isampal sa kanya pabalik pero ngayon na mukhang kakailanganin namin, mukhang magagastos ko nga. Unfair naman kung puro si Jacob lang ang gagastos para sa amin gayong pareho naming desisyon ito.

"Uh, Jacob, hindi mo ba naisip na sayang ang tinapos mo?"

Biglang pumasok sa akin ang propesyon na tinapos nya. Kung siguro hindi nya ako nakilala, e, malamang nagtatrabaho na sya ngayon sa isang magandang kumpanya, o kaya sa isang unibersidad bilang propesor, o baka nga, nasa med school na sya.

Ang pahirap ko pala talaga sa buhay ng kahit sino!

Natigilan sya sa tanong ko. Huminto sya sa paglilinis ng agit at bumaba sa pinagpatong patong na upuang hawak ko.

Napabuntong hininga sya. His bedroom eyes screams defeat na agad ding nawala. Napakaamo ng mukha ni Jacob na hindi ko manlang sya nakitang magalit o mairita ni minsan.

"Maybe in the future. For the mean time, isipin muna natin 'yung ngayon."

Tama naman sya. Ito ang mas madali para sa amin ngayon. Kailangan muna naming mag-adjust, mag-ipon at saka magplano para sa hinaharap. Siguro ay mag-eenroll ako sa Community College na meron dito. Papakiusapan ko na lang siguro ang Presidente nila para sa mga papeles para sila na ang magrequest ng transfer ng TOR mula sa dati kong University.

Pinulupot ni Jacob ang braso nya sa baywang ko, awtomatiko namang nag-init ang pisngi ko. Jusme! Ngayon pa ako nakaramdam ng hiya samantalang kung pagpantasyahan ko sya noong una, e, walang habas!

Pareho na kaming madungis dahil sa alikabok. Ipinagtapat nya ang mga noo namin at saka ako matamang tinitigan.

"You don't have to do anything. Just stay here and be the housewife," he whispered.

Housewife? Geez!

Humiwalay sya subalit hindi pa rin tinatanggal ang brasong nakapulupot. "We need to talk," seryosong sabi nya.

"Tungkol saan?"

Jusme! Usapang kasal na ba? Ang bilis naman, Jacob!

"About this," sabi nya. Gumapang ang kamay nya mula sa baywang ko patungong leeg kung nasaan ang lymph.

One Summer in Bicol ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon