Takas
Kaninang umaga ay hinatid na kami ni Kuya Archie sa San Juan kung nasaan ang dating bahay ni Papa. Sinalubong kami ni Lolo sa dulo ng irrigation. Hindi katulad sa San Isidro, malayo sa kalsada ang bahay nila Lolo. Ang tawag nga ni Mama sa lugar nila ay 'Tinago'. Para ka kasing nakatira sa gitna ng palayan at bukid.
Mas tahimik ang lugar dito. Huni ng mga ibon at tunog ng tuko lang ang maririnig mo kung hindi lang nagpapatugtog nang malakas ang kapitbahay nila Lolo.
"Kumusta ng fiesta sa kabila? Hindi ako nakapunta ta walang maiiwan dito. Baka magtampo ang Lola nyo," pabiro nyang sabi.
"Lo naman! Ginamit mo pa sila Lola."
"Nag-almusal na ba kayo? Nandoon ang pinsan nyo sa kabilang bahay. Pwede kayong pumunta don," tanong nito.
"Kumain na po kami, Lo," si Chris ang sumagot.
"Kumusta ang Papa nyo? Hindi sya sumama sa inyo ngayon. Nagtatampo pa rin ba sya?" tanong ni Lolo habang hinihimas ang alaga nyang manok.
"Bakit po magtatampo si Papa sainyo?" usisa ko naman.
"Ah. Wala man... May sayawan mamayang gabi sa pavilion kung gusto nyo pumunta magpasama na lang kayo kay Vivian," pag-iiba nya ng usapan.
Bago pumunta sa bahay ng mga pinsan ko ay naisipan muna naming maglibot sa bahay ni Lolo. Sa salas ay nakita ko ang lumang wedding picture ng magulang ko. I wonder why we don't have copy of these in our house. Bakit kaya nandito sa Bicol ang mga pictures nila.
Sa wedding picture ay hindi ko maiwasang punahin ang ngiti ni Mama. Alam kong noong una ay hindi uso ang ngumiti nang labas ang ngipin. Timid ang tindig ni Mama dito at gumuguhit ng isang linya ang bibig nya.
Hindi ba uso ngumiti sa picture noon?
Isang pamilyar na mukha ang nakita ko sa isa pang picture kung saan kasama ang ilang bisita. Mama ni Jacob. Nakatayo sya sa gilid ni Mama at nakasabit ang kamay sa braso ni Mama. Ang ilan pa ay hindi ko na kilala.
"Ano yan, ate?" tanong ni Chris nang mapansing may kinakalikot ako.
"Pictures. Hindi ba halata?"
"Anong nasa picture bakit ka natulala dyan?"
"Mukha ng mga tao. Ano pa ba, Chris?" pabalang kong sagot.
"Aish. Ewan ko sayo, ate. Ang tino mo kausap," napakamot na lang sya ng buhok sa inis.
"Ang tino mo din kasi magtanong."
Saglit itong natahimik at naghanap ng pagkakaabalahan pero wala syang nakitang makakakuha ng interes nya.
"Ang boring dito. Buti pa sa San Isidro may nakakausap ako," reklamo nya.
"Tara sa likod! Ang alam ko may mga puno ng mangga, buko at pili doon."
"Unggoy ka na ngayon? Balak mong akyatin yung mga yun?"
"Tanga! Mamitas tayo! Bored ka diba?" sabi ko pagkatapos syang irapan.
Nagpaalam kami kay Lolo na pupunta kami sa likod ng bahay. Binigyan nya kami ng panungkit. Isang mahabang kahoy na may net sa dulo.
Pagdating sa likod ay sinalubong kami ng malalaking puno ng niyog. Mabungang puno ng mangga at mga nalaglag na pili sa lupa. May nakita rin kaming bahay sa hindi kalayuan. Isang bahay na gawa sa bato ang kalahati at kahoy na ang kalahati pa. Mukhang hindi natapos gawain.
Namitas kami ng mangga. Sa totoo lang, hindi namin alam kung paano masasabing hinog na nga bunga. Kung ano lang ang abot ni Chris, yun na lang.
"Tama na yan! Ang dami na! Tayo lang naman ang kakain."
BINABASA MO ANG
One Summer in Bicol ✔
Romance(EDITING) Avery Anne Barrameda is a Manila girl who has symptoms of a disease that may end her life if not treated. Afraid to know her real condition, she refused to undergo some tests. And to run from this tragic story of her, hoping to live normal...
