Kabanata 11

141 8 5
                                    

Luha

"Tara, A! Sayaw tayo!"

Unang gabi ng sawayan ngayon sa San Isidro. Kaya nga ganadong ganado na naman ang mga pinsan at kapatid ko.

Nasa dance floor na ngayon si Chris, Tommel, ang triplets pero hindi, at si Ate Maricar. Naghihilahan pa rin kami ni Carla.

"Sige na. Susunod na lang ako don."

Nagulat ako ng maupo ito sa tabi ko. Nakasimangot ito at nakalukipkip.

"Oh, bakit? Akala ko ba sayaw na sayaw ka na?"

"Hindi na pala," walang gana nitong sabi.

Sinundan ko ang mata nyang nakatitig sa dance floor. Nakita ko ang bilog na ginawa ng mga kasama namin. Pero may dalawa doong may sariling mundo.

Oh, I smell something fishy.

Maya maya ay nakita kong dumating sina Jacob kasama ang babaeng lagi nang naka-braid at ang cheerleader ni Chris at si Neil. Naupo sila sa isang bench malayo sa amin.

Napansin kong kanina pa lilinga linga si Neil sa paligid. Habang tamad na tamad namang nakaupo si Jacob.

"Pareho ba tayong sawi, A?" nilingon ko ang katabi ko.

"Ewan ko. Girlfriend ba ni Tommel si Kang?"

She just shrugged her shoulders. Hindi rin siguro alam ang sagot.

"Eh ayun? Girlfriend ba ni Jacob yun?" sabi ko matapos inguso ang babaeng katabi ni Jacob.

"Hindi nya girlfriend yan," tamad na sagot ni Carla. Akmang magsasalita pa ito pero muling tinikom ang bibig.

"Pinsan?" usisa ko.

"Hindi rin. Yung dalawang babae na kasama ni Jacob, magkapatid. Pinsan sila ni Neil. Si Neil na best friend ni Jacob. Ayos ka na?" paliwanag nito.

Tumango na lang ako habang hindi inaalis ang mata sa apat.

Nakita kong nagtama ang mga tingin namin ni Neil dahilan para tumayo ito at tumabi sa akin.

"Oh, mauupo lang kayo dito? Tara sayaw tayo!" nakangiting sabi nito.

Magsasalita na sana ako nang maunahan ako ni Carla.

"Mamaya na, Neil. Mag sweet dance na lang kayo ni A," suhestyon nito.

Bakit pakiramdam ko binubugaw ako ng pinsan ko?

"Alright," sagot ni Neil at mas lalong lumaki ang ngiti nito.

Pinanuod na lang namin ang mga nagsasayaw sa gitna. Halos 2 oras na rin nang magsimula ang sayawan. Alas onse na ng gabi pero ganado pa rin ang mga tao.

Hindi ko maiwasang ikumpara ang mga tao sa harap ko ngayon sa mga taong nakikita ko sa Manila.

Dito nagagawa nilang magsaya kahit walang alak. Magsayaw habang tumatawa kaharap ng mga kakilala. Noong minsang napadpad ako sa isang bar sa Manila, ang mga tao ay mahahalata mong malulungkot ang mga mata. Para bang nadoon lang sila para malimot ang mga problema.

Maya maya ay bumagal ang ritmo ng kantang pinatutugtog ng DJ. Nag-alisan ang mga tao sa dance floor at pinalitan ng mga magkakaparehas na marahang sumasabay sa tugtog.

Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pag-aya ng kapatid ko sa babaeng katabi ni Neil kanina. Mukhang may gusto talaga ang kapatid ko doon.

"Can I have this dance, A?"

Nilingon ko ang lalaking naglahad ng kamay sa harap ko. Malaki ang ngiti sa labi nito at bahagyang magulo ang permed na buhok.

Hindi ako sumasayaw ng sweet dance pero hindi naman na iba si Neil sa akin.

One Summer in Bicol ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon