Kabanata 3

236 11 4
                                        

Hangin

Matapos maglinis ng bahay ay kumain na kami ng tanghalian. Dahil si Lola at ang alaga nyang si Berting na lang ang nasa bahay ay sumabay na sila Tita Beth at mga pinsan ko sa pagkain.

Si Tita Beth ay mas matanda ng ilang taon kay Mama. May 5 syang anak. Ang panganay, nasa Manila. Nagtatrabaho para sa pamilya kasama ni Tito. Si Ate Maricar, Carla, Kuya Archie at Micaila ang kasama ni Tita dito. Si Micaila ang bunsong nag-aaral pa sa High School. Si Kuya Archie ay namamasada gamit ng motor. Si Ate Maricar at Carla naman ay nagtatrabaho din sa Manila pero nakapagbakasyon ngayon.

Kaedad ko lang si Maricar pero hindi na sya nag-aaral. Katwiran nya, ang gastos pang-aral nya ay idadagdag na lang panggastos sa bahay nila. Para din makapag-aral pa si Micaila.

Dahil hindi nakapagtapos, hindi ganoon kaganda ang trabaho nila sa Manila. Maliit lang anv kinikita kaya kinakapos pa rin. Mahina din daw kasi ang kita sa pamamasada ni Kuya Archie.

Kahit ganoon ang pamilya nila, makikita mong masaya sila. Bawat miyembro ng pamilya ay palabiro. Masayahin.

Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses nagloko si Papa. Noong di pa sya nagkakasakit, iba't ibang pabango ng babae ang maamoy mo sa kanya.

Kung hindi amoy ng babae, amoy chico o amoy sigarilyo sya.

"Tumigil ka nga Edna! Hindi naman ako nanghihingi ng pera sayo para sa bisyo ko!" narinig kong sigaw ni Papa isang gabing umuwi sya at kinausap ni Mama.

"Hindi naman iyon! Nakikita ka ng mga anak mo na ganyan! Mahiya ka naman!" balik ni mama sa pagsigaw nya.

"Tang ina! Ano bang pakialam ko sa mga yan!"

Napapikit na lang ako ng mariin ng marinig ko iyon mula sa likod ng pintuan ng kwarto ko.

"Anong sabi mo?! Kung ano ano na nasasabi mo, Agosto! Pati mga anak mo pinagsasalitaan mo na ng ganyan!"

Naramdaman ko na lang ang pamumuo ng mga luha sa mata ko.

"Wala akong pakialam! Patayin ko pa yang mga yan e!"

Narinig ko ang ingay ng mga gamit sa kusina. Bumilis ang tibok ng puso ko sa nai-imagine kong nangyayari doon ngayon.

"Sige! Subukan mong may saktan sa kanila! Sige! Ako ang makakaharap mo, Agosto!"

Gusto kong lumabas ng kwarto at pigilan sila. Natatakot ako sa pwede nyang gawin kay Mama. Natatakot ako na baka si mama ang saktan nya. Pero hindi ko magawang buksan man lang ang pinto.

"Isusumbong kita sa tatay at mga kapatid mo kapag may sinaktan ka sa kanila! Isusumbong kita kahit kay Dondon! Sinasabi ko talaga sayo!"

"Edi magsumbong ka!"

Narinig ko na lang ang sunod sunod na pagkabasag ng mga plato. Ang ilang sigaw ni Mama at ang pag-iyak nito. Nang magpakawala ito ng isang sigaw ay naglakas loob akong lumabas ng kwarto.

"Ma!"

Naabutan kong nag-aagawan sila sa isang kutsilyo. Natigil si Papa ng marinig ang sigaw ko dahilan para makuha iyon ni Mama. Agad iyong tinutok ni Mama kay Papa na masamang nakatitig sa kanya.

Pulang pula ang mga mata ni Papa dahil sa galit. Iisipin mong gumamit ito ng pinagbabawal na gamoy dahil sa pamumula at panginginig ng katawan nya.

Naiiling ito at natatawa sa posisyon nila ni Mama.

Nanginginig ang kamay ni Mama na parehong nakahawak sa kutsilyo.

"Umalis ka na Agosto sa harap ko! Baka ako pa ang makapatay sayo!"

One Summer in Bicol ✔Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon