Kabanata 9

141 10 4
                                    

Halika

"May gusto ka kay Jacob 'no?"

Halos maibuga ko ang iniinom kong buko juice kay Neil nang tanungin nya ako nito.

"Wala man lang warning! Bigla bigla ka namang nangha-hot seat!" reklamo ko dito.

"Ano nga? Umamin ka na. Tayong dalawa lang makakaalam," pangungulit pa nya.

"H-hindi." I lied.

Uminom ako ng juice para itago ang hiya ko. Teka, bakit ako mahihiya? Be proud!

Pero hindi pwede.

"You like him? O you love him?"

"I-I like him... as a person. Tulad mo, Neil. I like you as a person kasi mabait ka," pangangatwiran ko.

Tumango tango naman ito sa sagot ko at saka din uminom ng juice sa baso nya.

Nasa kubo kami ngayon at nagmimiryenda. Abala si Chris sa phone nya at si Carla naman ay kausap ang mga kaibigan. Nandoon ulit sila sa gilid ng kalsada. Si Ate Maricar ay nasa loob ng bahay nila tumutulong kay Tita Beth.

Nagpakawala ng hangin si Neil bago ako ulit hinarap. Seryoso ang mukha nito na pinagtataka ko.

"Pigilan mo 'yan hanggat kaya mo pa."

Agad kumunot ang noo ko sa sinabi nya.

"Ha?"

"Ha? Ha-ha! Hindi ka magugustuhan non! Gusto nya sa prim and proper," sabi nito saka ako tinawanan.

Inismidan ko lang ito at bumalik na sa ginagawa ko. Pinahiram nya kasi ako ng laptop para makapag-edit ako. Kaya rin nandito sya sa bahay ngayon. Mabait si Neil. Mapang-asar nga lang.

"Kuya Neil, laro tayo!" sabi ni Chris habang tinataas ang phone nya.

"G!"

Habang nag-eedit ay hindi ko maiwasang mamangha sa lalaki sa picture. Bawat anggulo ay ang gwapo nya! His bedroom eyes attracts me the most. Parang laging inaantok. Misteryoso.

"Why are you staring at my picture?"

Halos mapatalon naman ako ng marinig ang boses ni Jacob. Sobrang lapit ng mukha nya sa akin. Ramdam ko ang hanging binubuga nya. Gan'on sya kalapit sa akin!

"Prime! Gusto mo buko juice? Ito oh. Inumin mo!" agad na nilapit ni Neil ang nguso ng baso sa labi ni Jacob dahilan para mapalayo ito sa akin.

"What the fuck, Neil," reklamo ni Jacob dahil nababasa na ang tshirt nito. He's wearing his regular white v-neck shirt and cap.

"Ay sorry. Ikaw na kasi humawak," tumabi ito sa akin at ako naman ang kinausap. "Ano, A, kailangan mo ba ng tulong sa page-edit?"

Naguguluhang hinarap ko ito.

"Neil... namatanda ka ba?" seryosong tanong ko dito.

"What?!"

"Namatanda ka ba dahil umakyat tayo kahapon kaya nagkakaganyan ka?"

Namilog naman ang mata nito dahil sa tinanong ko. Hindi ko alam na ganito pala ka-weird si Neil.

"Of course not. Gusto lang kita tulungan."

"O-okay?"

Si Neil na ang tumapos ng ine-edit ko. Naupo naman si Jacob sa tabi ni Chris. Sa harap namin ni Neil.

"Kuya Neil I thought we're going to play?" si Chris.

"Pass muna, Chris. Mas importante ang ate mo," seryoso itong nakaharap sa laptop nya.

One Summer in Bicol ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon