Kabanata 22

126 9 4
                                        

Truth

Kung kailangan kong tumakbo pauli-ulit hanggang mapudpod ang mga paa ko ay gagawin ko basta kasama si Jacob. Kahit saan, kahit abutin pa kami ng walang hanggan, kahit matunton pa namin ang dulo ng Bicol ay gagawin ko. Because for almost 20 years of existing, I finally found a beautiful place to run to, and it is beside him.

I don't mind planting vegetables all day, cleaning the house like a housewife, eating without meat on the table. Hell, I can even give up internet just to be with him. I am willing to live in the middle of the desert as long we are together.

Papa must be proud. Wala ang iniisip nyang panira sa pamilya. He must be happy that I took his advice, I run away and let them live the way they wanted to as I live the way I wanted. I fed his ego, and I fed myself the peace I want. And Jacob fed me the love I longed from him.

Nagmulat ako ng mata at sinalubong ako ng mga huni ng ibong nagsasaya sa panibagong araw, halos masilaw ako sa liwanag na tumatakas sa maliit na siwang sa gilid ng kubo. Wala na si Jacob sa tabi ko. Tumayo ako at dumiretso sa kusina. Tama ako, nandoon sya at nagluluto ng almusal namin. Napasandal ako sa hamba ng pinto ng kusina. Ang ganda ng umaga kapag ganito ang sasalubong sa'yo sa umaga.

Para kaming mag-asawa sa mumunting kubo kung saan sya ang naghahanda ng almusal para sa amin ng mga nagtatakbuhang paslit. Napahawak ako sa pisngi ko with that thouht. Shems!

Wala na si Tommel, mukhang maagang umalis. Mabuti na rin 'yun, kaysa pilitin na naman nya ako na sumama sa kanya pagbalik at iwan si Jacob dito. Kaibigan ba talaga sya?

"Good morning!"

Nakangiti sya ng lumingon sa akin. "Good morning, baby!"

Sinangag, galunggong at toyo na may kamatis ang nakahain sa lamesa nang matapos sya. Ako naman ang nagtimpla ng kape naming dalawa. Unti unti na rin namang bumabalik ang lakas nya. Actually, para nga syang hindi nabugbog sa tikas pa rin ng tindig nya. Hindi na rin gaanong namamaga ang labi nya pero nandoon pa rin ang bukol sa noo nya na lumiit na ng bahagya.

Hindi iniiwan ng ngiti ang mga labi namin habang nag-aalmusal. Umaga pa lang pero buo na ang araw ko.

Habang kumakain ay ramdam ko ang paninitig ni Jacob sa akin. Maya't maya ay sinisilip ko sya at nahuhuling nakatingin. Para ngang hindi iniiwan ng mga mata ultimong pagsubo ko e.

Tumikhim ako para makaramdam naman sya, diba?

Maya maya ay naramdaman ko ang kamay nya sa baywang ko. Dahan dahan nya akong hinihila palapit sa kanya.

"Jacob! Kumakain tayo!"

Later please!

MATAPOS kumain ay ako ulit ang naghugas, si Jacob naman ay inabala ang sarili sa pagsisibak ng kahoy para panggatong mamaya. Pinitas na rin nya ang mga bunga ng mga mangga, cocoa, atis, at buko.

"Bukas, lilipat na tayo sa Ligao," sabi ni Jacob habang tumatabi sa akin sa mahabang upuan.

"Okay."

Wala akong plano. Iyon ang sigurado. Si Jacob ang nagpaplano ng lahat. After all, sa aming dalawa, sya naman talaga itong pamilyar sa lugar.

Naisip ko tuloy, hanggang kailan ba kami ganito? Kakayanin ba namin ang mabuhay? Saan kami kukuha ng pang-araw-araw? But knowing Jacob, even just for a short time, madiskarte syang tao, may pinag-aralan at marunong makisama kahit sa mga nakatatanda. I know we can survive together... only if my condition is unexistent.

"What were you thinking?"

Ipinulupot ni Jacob ang braso nya sa baywang ko. Bahagya nya akong hinila palapit sa kanya. He rested his chin on the top of my left shoulder habang hindi inaalis ang tingin sa akin. I felt him move his legs. Ngayon ay nakaupo na ako sa gitna nya habang nakaupo kami pareho sa maliit na kama nitong kubo.

One Summer in Bicol ✔Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon