Kabanata 21

127 8 0
                                    

Tanan

"Matagal na akong nagtatrabaho para sa mga Bermundo. Para ko na syang kapatid. Sa kanya ako tumatakbo kapag kailangan ko ng tulong."

Madaling araw na, mataman kong pinanunuod ang natutulog na si Jacob na puno ng pasa at sugat noong datnan ko.

Nang sunduin ako ni Tommel sa tagpuan ay natutop ako sa pwesto ko. Hindi ko malaman kung dapat ba akong tumakbo o sumama sa kanya.

Nang sabihin nyang pinadala sya ni Jacob ay sumama ako. True to his words, dinala nga nya ako sa takbuhan namin ni Jacob. Ang akala ko ay kami lang ang nakakaalam nito, si Tommel din pala.

Sinabi nya sa akin na pinakiusapan sya ni Jacob na sunduin ako. Ayaw nga daw sana nyang tumalima dahil baka lumaki lang daw ang gulo, sa huli, ginawa pa rin nya bilang pagtanaw ng utang na loob sa lahat ng naitulong sa kanya ni Jacob.

Si Tommel ang isa sa mga nagsasaka at nag-aalaga sa mga kalabaw ng mga Bermundo. Isa sya sa mga katulong nila Ninong Nestor. Sya lang naman 'yung nangungulit noon kay Ninong Nestor na magpainom ito kahit dalawang gin lang noong minsang nanuood ako ng pagsasaka.

"Sinong may gawa sa kanya nyan?"

Mahimbing na natutulog si Jacob pero makikita mo pa rin sa paghinga nya ang pagod at panghihina. Nababalot ng benda ang magkabilang braso nya. May pasa sa gilid ng labi na putok at namamaga. Mayroon din syang bukol sa kanang parte ng noo. Gising pa sya nang datnan namin kanina pero agad ding nakatulog nang mapanatag na nandito na ako.

Hindi agad nakasagot si Tommel kaya nilingon ko sya. Bakas ang pangamba sa mukha nya kahit halos hindi ko na sya makita dahil sa dilim ng lugar at tanging gasera lang ang source namin ng ilaw. Iisipin mo ngang may lumulutang na puting t-shirt sa tabi ko e.

"Tommel, sabihin mo sa'kin kung sino ang may gawa sa kanya nyan. Please!"

Kahit alam kong wala naman akong magagawa para gantihan ang taong 'yun, gusto ko pa ring malamam kung sino ang isa sa mga tumututol sa amin. Malay mo may mangkukulam palang kakilala si Tommel. O kaya may manananggal na kaibigan? Baka pwedeng ipakausap.

Bumuntong hininga sya. Ang lalim non, sinlalim ng siguro ng bukal sa likod ng bahay nila Jerome.

"Huwag tayo dito mag-usap. Baka magising natin sya."

Tumango ako. Sinundan ko sya nang lumabas sya ng bahay. May kakaunting liwanag na nagmumula sa buwan at bituin sa langit. Tumigil si Tommel ilang hakbang ang layo sa pintuan ng kubo. Kung saan naganap ang makatindig balahibong halikan. Pakiramdam ko namula ang pisngi ko sa init nito.

Ang harot, Avery! Hindi ito ang tamang oras para dyan.

Teka, alam din kaya ni Tommel 'yun? Nagkukwento kaya sa kanya si Jacob?

"Ayaw nya ipaalam sayo, pero tingin ko dapat malaman mo," panimula nya. "Hindi ito ang unang beses na nasaktan si Jacob ng Uncle Dondon mo--"

"Si Tito Don?! Bakit naman gagawin ni Tito 'yun?!"

Bumuntong hining sya. "Hindi mo alam kung paano magalit ang Uncle Dondon mo. Minsan na nyang muntik mapatay ang Tito ni Dang dahil pinahiya noon si Lolo mo. Sa galit ng Uncle mo, sinugod nya ang Tito ni Dang. Noon, hindi pa gaanong mahigpit ang seguridad dito. Madali lang sa tao ang pumatay gamit ang itak. Nagpang-abot sila ni Uncle Don. Tinamaan noon ang lolo mo ng itak ng Tito ni Dang kaya gumanti si Uncle Don. Malaking hiwa sa likod ang tinamo ng Tito ni Dang."

Huminto sya saglit para tanawin ang reaksyon ko. Halos hindi naman ako makahinga dahil sa pagiging bayolente ng kwento nya. Ini-imagine ko pa lang, nasasaktan na ako at napapangiwi. Napayakap tuloy ako sa sarili. Gaano ba ka-bayolente si Tito. Kung noon, tingin pa lang nta ay nangingilabot na ako, dumoble pa ito ngayon knowing na gaanon pala sya ka-lala magalit. Iba ang anger-management ni Tito! Wala syang management.

One Summer in Bicol ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon