Kabanata 2

307 16 7
                                        

Larawan

"Mukhang makakarami ka ngayon, Uncle Nestor ha! Magpainom ka mamaya!"

Narinig kong sigaw ng isang lalaki sa isa sa mga nag-aani sa harap ko. Pagtapos kasing mag-almusal ay naisipan kong gumala sa purok. Limang bahay ang layo kina Lola nitong waiting shed ng kanto ng Purok II. Sa waiting shed ay matatanaw mo ang mga matatandang lalaki na nag-aani ng bigas.

Sa tapat ng waiting, mga benteng hakbang ang layo ay may patag na sementadong sahig. Wala iyong bubong. Tingin ko doon nagbibilad ng palay ang mga tao bago dalhin sa Centro.

"Nako, baka kulang pa itong pambayad ng utang," narinig kong sagot ni Ninong Nestor sa lalaki.

"Magkano ho ba ang hatian nyo ng mga Bermundo?"

"8-10. Kung makaka 30 sako tayo, pambayad ko pa lang ng utang yon! At panghanda na rin sa fiesta." natatawang sabi nito.

Wala naman akong na-gets bukod sa maghahanda si Ninong sa fiesta.

"Tyan mam ika ay! Maski 2 gin sana!" hirit pa ng lalaki.

Pinanuod ko lang ang mga ito sa ginagawa nila. May gamit silang makina na naghihiwalay ng butil ng bigas mula sa puno nito. Tirik ang araw at lahat sila ay nakabilad dito.

Mula sa pwesto ko ay matatanaw mo ang Bulkang Mayon na nagtatago mula sa mga ulap.

"Avery! Nandito ka lang pala," si Carla. Bumaling ito kay Ninong Nestor at umaktong magmamano kahit magkalayo sila. "Uncle Nestor! Mano tabi!"

Ganoon din ang ginawa nya sa ibang nandoon. Hindi ko na sya ginaya dahil nahiya ako bigla. Kanina pa ko dito pero hindi ko naisip magmano!

"Oh Carla iyan pala kamu. . . Avery, nag-almusal ka na ba? Kanina ka pa yata dyan, baka di ka pa nag-aalmusal," tanong nito sa amin. Si Uncle Nestor kung tawag ni Carla ay Ninong ko.

"Opo, Nong," nginitian ko ito at saka muling nilibot ang mata sa paligid.

Sa kabila ng makipot na kalsada sa kaliwang banda ko ay palayan ulit ang makikita. Sa harap naman ay makikita ko ang naglalakihang mga letra na nagsasabing nasa San Isidro ako. Sa kalsada di kalayuan ay makikita mo ang mga nagdadaang mga sasakyan, mga motor at bus na papunta daw sa Visayas sabi ni Tita. At ang Mayon. Malayo ito sa amin pero tanaw na tanaw pa rin ang perpektong hugis nito.

"Sisay kang keba ni Carla?" narinig kong tanong ng pinakamatanda sa lahat ng nandoon sa palayan.

"Amu na kang akus ni Ed?" tanong ng isa pa.

"Amu na kan. Raraga na baga," sinagot naman sila ni Ninong Nestor.

"Nang gayun man. Ga si Mama man sana nya," komento ng lalaking mukhang kaedad lang ni Ninong. Nasa 40s?

"Amu baga. Kaya man byung namuya si Papa nya. Maski aasawa na nu sad," si ninong.

Napanguso na lang ako dahil mukhang nag-eenjoy silang pag-usapan ako. Nabaling ang atensyon ko sa pinsan nang tapikin nito ang balikat ko.

"Hinahanap ka ni Lola. Akala nya nawawala ka," natatawang sabi ni Carla.

"Na-curious lang ako sa ginagawa nila," sabi ko habang nakatingin parin sa mga nag-aani.

"Anong nakaka-curious sa pag-aani?"

"Wala. E ngayon lang ako nakakita ng nag-aani e."

Maya maya ay natanaw ng gilid ng mata ko ang isang pamilyar na lalaki. Papunta ito sa tabi ng lalaki kanina na nag-aaya kay Ninong uminom. Nakita kong tinapik nya ang balikat ng lalaki habang nakatingin sa mga nag-aani. May pinag-usapan sila saglit. Mukhang kaedaran ko lang iyong lalaking nag-aayang uminom.

One Summer in Bicol ✔Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon