Kabanata 5

187 9 8
                                    

Purnada

Ilang minuto pa ang nagdaan ay bumalik na si Tita Beth sa kubo.

"Jacob. Kayun pa kuna si Uncle mo Dondon. Ukun mo na sana senra," sabi ni Tita kay Jacob.

"Amu tabi. Salamat, Auntie," malambing nitong sabi.

Tumango lang si Tita sa kanya. Tumayo na ito at nagtungo sa bahay ni Tito Dondon.

"Christer!" tawag ko sa kapatid ko.

Nang akmang yayakapin ko na ito ay agad itong umiwas sa akin.

"What the fck, Ate! Don't hug me! You're being too cheesy!" iritado nitong sabi.

"Awww... You're so sweet my little brother!"

Nagpuppy eyes pa ako para cute ako sa paningin nya. Para lalo syang mairita.

"You wish! Pustahan tayo hindi sya pupunta mamaya sa sayawan para hindi ka nya masayaw," panghahamon nito.

"Pupunta sya! Sabi nya magsasayaw kami ng sweet dance!"

Narinig ko ang pigil na tawa ni Carla sa gilid. Litong lito naman ang mukha ni Tita Beth. Hindi alam kung anong pinagsasabi namin ni Chris.

"O sige! Kapag hindi sya pumunta babalik agad tayo sa Manila para sa treatment mo," matapang nitong sabi na parang siguradong sigurado sya.

Nagulat ako saglit sa naging kondisyon nya. I did not know he cares that much about my condition. He was always silent about things at laging kalokohan lang ang lumalabas sa bibig nya. Nang matauhan ay sumeryoso ang mukha ko.

"Stop it," seryoso kong sabi saka nag-iba ng tingin..

We remain silent. Wala ng nagsalita matapos noon. Awkward na ang paligid. Pinilit kong kumain para mabawasan naman ang tensyon. Parang nakaka-suffocate ang ganto. Nabasag lang ang katahimikan namin ng dumaan si Jacob dala ang isang maliit na sako ng munggo.

"Auntie Beth. Pedi na tabi ako. Salamat tabi," paalam nito kay Tita Beth.

Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagsulyap nito sa amin. Siguro ay nabagabag din sya dahil sa katahimikan.

"Aw. Amu na, Jacob," sagot ni Tita para tuluyan nang tumulak si Jacob pauwi.

"Tapos na ba kayo kumain? Ililigpit ko na 'to," pagbasag ni Tita sa katahimikan sa loob ng kubo.

"Tapos na po," sabay naming sagot ni Chris.

Tinignan ko ito ng masama.

"What? Are we going to act immature here, Ate?"

"Sinong immature, Chris? Can't you be more sensitive? Mag-joke ka ng ibang bagay hindi ako mapipikon. But joking because of my condition... Don't expect me to be fine. Remember the reason why we went here!"

"I'm sorry," mahina nitong sabi, tanda ng pagsuko.

Hindi na ako sumagot at nagpakawala na lang ng hangin.

Am I being too sensitive?

Tinulungan ko na lang si Tita Beth magligpit. Naiwan si Carla at Chris sa kubo. Bumalik din naman agad ang kakulitan ng dalawa. Narinig kong nagbibiruan na sila.

Pagpasok sa kusina ni Lola ay hinarap ako ni Tita.

"Pagpasensyahan mo na yung kapatid mo. Kahit ganoon 'yon ay nag-aalala pa rin iyon sa'yo. Lahat naman kami, A, iyon ang gusto. Ang magpagamot ka. Pero ako, ano mang desisyon mo ay susuportahan ko," malumanay nitong sabi habang nilalagay ang mga baso sa sink.

Naupo ako sa mahabang upuan sa dining table at muling nagbuntong hininga.

"Thank you po, Tita. Sana sila din ay matutunang respetohin ang desisyon ko."

One Summer in Bicol ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon