Kabanata 18

123 8 0
                                    

Secret

Mabilis nagdaan ang mga araw. After nang gabing tumakas kami ni Jacob, hindi muna ulit kami nagkita.

Turns out na false alarm pala! Hindi naman nagsumbong si Chirs pero ginagamit nya 'yun laban sa akin. Para tuloy akong hawak sa leeg ng malambing kong kapatid. Wala pa syang hinihinging kapalit ng pananahimik nya ngayon kaya mas nakakatakot. Para kasing pinag-iisipan talaga nya!

"Sinong susundo sa inyo," tanong ni Lolo Oscar sa amin.

"Si Kuya Archie daw po."

"Osige. Dumaan ulit kayo dito bago kayo bumalik ng Manila ha?" Nahihimigan ko ng lungkot ang boses ni Lolo. Nalungkot din tuloy ako. Mag-isa na lang kasi ulit sya dito sa bahay.

"Sure 'yan, Lo," sabi ni Chris.

PAGDATING SA SAN ISIDRO ay tahimik akong nakikiramdam. Baka kasi nakarating sa kanila ang pagtakas namin ni Jacob kahit hindi nagsumbong si Chris.

"Kumusta fiesta sa San Juan? Sumaglit lang ako doon kahapon e. Wala kasing kasama dito si Lola nyo," sabi ni Tita Beth.

"Okay naman po," sagot ko.

"Nakipagsayawan kayo?" Usisa pa nya.

Akmang sasagot si Chris nang unahan ko sya. "Opo, Ta! Kaso mas kaunti ang nagsasayaw doon kaysa sa dito."

Natapos ang maghapon na wala namang bakas ng pagdududa ang mga tao. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil do'n. Takot ko na lang 'no? Baka masuntok na naman si Jacob katulad dati e hindi ko pa nga alam ang buong kuwento no'n!

"Saan ka pupunta?"

Halos mapatalon ako nang marinig ng boses ni Tita Beth. Akala ko pa naman magaling na akong maglakad nang walang tunog.

"Ah, e, magpapahangin lang po, Ta!"

Awkward pa akong ngumiti para takpan ang kaba.

"Gabi na, A. Mainit ba sa kuwarto nyo? Kukunin ko 'yung isang electricfan sa bahay. Sandali."

Akmang aalis na si Tita nang pigilan ko sya.

"Huwag na po, Ta. Okay lang! Babalik na lang po ako sa loob."

Tulog na lahat ng tao sa bahay kaya akala ko makakatakas ko. Kaso mukhang naiwang gising si Tita Beth. Para sya madrastang nag-iikot sa gabi para i-check kung tulog na ba ang mga bata. Mahirap pala 'to! Jusme! Jacob, things I do for you talaga!

Pabalik na ako sa kwarto nang magsalita ulit si Tita. Firm at may halong galit ng boses nya pero pinanatili nyang mahina.

"Magkikita kayo?"

Natigilan ako. Dahan dahan kong nilingon si Tita Beth. Bakit ba tuwing may gagawin na lang akong kalokohan e si Tita Beth ang nakakahuli sa akin? 'Yung totoo, Tita?

"Ni-nino po?" Painosente kong tanong.

"Hindi mo dineny. May kikitain ka nga?"

Bumagsak ang balikat ko at napabuga na lang ako ng hangin. Huli pero hindi kulong!

"Sorry, Tita."

Yumuko ako. Hindi sya sumagot. Dinig ko na 'yung ingay ng mga tuko sa tahimik naming dalawa. Hahakbang na sana ulit ako papasok nang magsalit na naman sya.

"Bakit babalik ka na?"

Tinignan ko si Tita kung binabaliw ba nya ako. Napakurap ako ng dalawang beses. Sarcastic ba 'yun, Tita?

"P-po?"

"Naghihintay sya sa waiting shed, diba? Paghihintayin mo ba sya doon hanggang umaga?"

Napakurap ulit ako. Tapos kurap ulit. 'Yung bibig ko nakanganga pa rin. What did she just say?

One Summer in Bicol ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon