Salamat sa pag-abot sa kabanatang ito. Padayon sayo! Ito na ang totoong wakas. Abante palagi. Halik sa pisngi para sa lahat!
-----------------------------------------------------
Note: Play Araw-Araw by Ben&Ben
Sumasabay sa ihip ng hangin ang itim at kulot niyang buhok na mukhang namana nya kay Mama Ed. Bahagya nyang ginagalaw ang duyan habang nakatanaw sa malawak na palayan. She raised her camera to capture the shy Mayon. She looked back when she saw my reflection on her phone. I was just standing beside the tree while looking at her every move.
As soon as our eyes met, I smiled at her. She did the same showing me her white small teeth. She looks like an angel in her white dress. Her eyes sparks like fireflies in a silent night.
"Hey, baby, what are you doing?"
I sat beside her and put my hand at the back of her so she can rest her back on it nang hindi tumutumba. But she rested her head on my lap instead. Itinaas nya ang paa sa duyan.
"The Mayon is shy," she pouted.
Napangiti ako. Did I regret the choice I made?
Nang araw na iyon matapos sabihin ng doktor na kailangan kong mamili sa dalawa... wala akong pinili.
Nanghihina man ako n'on pero ipinagpilitan ko sa mga doktor na buhayin ang asawa't anak ko. Handa akong magbayad kahit magkano. Handa ako ilipat sya sa mas magandang hospital kung kailanganan. Halos huluran ko lahat ng santo, maligtas lang ang mag-ina ko.
"Walang pipiliin, Doc! Buhayin nyo ang mag-ina ko! Kaya nyo 'yon diba? Handa akong magbayad ng mahal, kahit magkano, tang ina iligtas nyo lang ang mag-ina ko!"
Kinwelyohan ko ang doktor at inalog sya nang marinig nya ako. Na baka magbago ang isip nya at sabihing kaya pa naman nilang buhayin ang dalawa. Tang ina, walang dapat piliin sa dalawa dahil pareho ko silang gustong makasama pa!
Tinanggal ng doktor ang kamay ko sa pagkakahawak sa kanya saka ako hinawakan sa dalawang balikat.
"Mister, I know it's hard for you to choose pero hindi namin pwedeng papiliin si Misis. You beed to choose. I'm sorry but we really have to do this."
Nakatulala lang ako sa doktor habang ipinapaliwanag nya sa akin ang lahat pero walang pumapasok sa isip ko. Paanong dumating kami sa ganito?
Marami pa kaming pangarap! Sampung anak di ba? Malusog naman sya di ba? Kaya bakit?
"Pwede ko ba syang makausap, doc?"
Bumuntong hininga ang dokto saka tumango. Sumenyas sya sa nurse na nakatayo sa likod nya. Binuksan ng nurse ang pinto at pinapasok ako. Sumunod si Mama Ed at nagpa-iwan lang si Chris sa labas.
Nang magtagpo ang mata namin ni Avery ay agad na tumulo ang luha sa mata ko. Bagsak ang katawan nya, para bang walang lakas. Halos bagsak na rin ang mata, pawisan ang noo at mabagal ang paghinga. Lumapit si Mama Ed sa kanya para hawakan ang kamay nya.
"Jacob, please, choose the baby."
"Tang ina, Avery paano?! Paano ko-- paano ka? Paano tayo? Paano ako pipili!"
Avery started crying.
Mama Ed tried to comfort her. She carressed her shoulders. Inayos nya ang buhok ni Avery na humaharang sa mukha nito. Natuod lang ako sa gilid habang naguguluhan. Parang batang hindi makauwi sa bahay dahil nakalimutan ang daan pauwi.
Lumuhod ako sa gilid nya at hinawakan ang kamay. I kissed her hands, her forehead, the tip of her nose and her lips while we are both crying. Para akong tinatraydor ng mundo sa pangalawang pagkakataon. Masaya na kami kaya bakit kailangan pang dumating sa ganito?
BINABASA MO ANG
One Summer in Bicol ✔
Romance(EDITING) Avery Anne Barrameda is a Manila girl who has symptoms of a disease that may end her life if not treated. Afraid to know her real condition, she refused to undergo some tests. And to run from this tragic story of her, hoping to live normal...
