Kabanata 20

118 8 2
                                    

Run

"Anong bibilhin mong pasalubong, Ate?"

Nasa souvenir shop kami ngayon kung saan may mga t-shirt na may nakasulat na 'I love bicol', may mga bag na gawa sa abaka, keychains na ang design ay pili, bulkang mayon at sili. May mga hoodie jacket din at mga pagkain tulad ng minatamis na pili, tabrilya, pili jam at iba pa.

"Ang tanong, sino ba ang bibilhan ko ng souvenir?"

Hindi na sya sumagot. Nakita ko na lang syang bumili ng t-shirt at keychains. May binili din syang postcards, ref magnet at kung ano ano pa.

"Kanino mo ibibigay yang mga yan? Saka may pera ka ba pambayad?"

Ngumisi sya sa akin saka naglakad sa counter at inilapag ang mga pinamili nya. "Pakibayaran, Ate."

Wow naman! Talagang ang lakas ng isang 'to ha! Wala rin naman akong nagawa kundi bayaran ang mga pinamili nya. Ang laki ng ngiti nya nang lumabas kami ng shop. Ang sarap batukan ng isang 'to!

"Oh!"

Nagulat ako nang iabot nya sa akin ang postcards at keychain. Napangiti na lang ako kaso naalala ko, ako nga pala nagbayad nito.

"Thank you ha," sarcastic kong sabi.

Naglalakad kami papuntang simbahan malapit sa park kung saan ako dinala noon ni Jacob. Last day na namin dito kaya naman naglilibot libot na lang kami ni Chris. Walang mass kaya nagdasal na lang kami ni Chris. Vintage ang simbahan, nostalgic tulad doon sa Daraga. Iba talaga ang vibe kapag nasa probinsya ka. Ang peaceful at nostalgic lang ng lugar at mga simbahan.

Matapos magsimba ay nagpunta kami sa canteen na pinagkainan namin noon nila Neil at Jacob ng Pancit Bato. Umorder ako nang dalawa para sa amin ni Chris. Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain nang may maglapag ng dalawa pang mangkok ng Pancit Bato sa tabi namin. Pag-angat ko ng ulo nakita ko si Neil at ang babaeng malakas kung maka-cheer noon kay Chris sa basketball.

Tumabi sa akin si Neil at kay Chris naman tumabi ang babae. Nilibot ko ang mata ko para makita kung may kasama pa ba sila pero bigo ako. Walang Jacob na nakasunod sa kanila. Bumagsak ang balikat ko. Kagabi, hindi rin sya sumipot. Naghintay ako nang matagal sa waiting shed pero walang Jacob na dumating. Nilamok na lang ako at lahat lahat, kahit anino nya, wala.

Tumikhim si Neil kaya nakuha nya ang atensyon ko.

"Ah, Avery, si Bea nga pala. Pinsan ko. Magkakilala sila ni Chris."

Ngumiti ako kay Bea at gumanti naman sya ng ngiti. "Hello po! Kumusta kayo tabi?"

Mabait naman si Bea kung huhusgahan. Oo, judgmental ako!

"Ayos naman. Ikaw?"

Nilingon ko si Chris na ngiting ngiti habang kumakain ng pancit. Kinikilig ang magaling!

"Maray man tabi. Sayang wala si Ate hindi nyo sya nakilala. Feeling ko pa naman tabi magkakasundo kayo."

"Oo nga pala. Ate mo 'yung lagi nyong kasama diba? 'Yung laging nakatirintas ang buhok?"

Nakangiti syang tumango. "Opo."

"Ah. Nasaan ba sya ngayon? Bakit hindi nyo kasama?"

"May inaasikaso tabi. Su kasal nya next year."

Nagulat ako. Kung titignan kasi halos magkaedad lang kami. O baka matanda lang sya ng ilang taon sa akin tapos ikakasal na sya?

"Ikakasal na pala sya?" 'Yun na lang ang nasabi ko. Baka may masabi pa akong nakaka-offend e.

"Amu tabi. Sa December kinta katdu kaya lang nausog ta si Kuya--"

Hindi nya natapos ang sasabihin nya nang mapaubo si Neil. Mukhang nabulunan na naman. Inabutan ko sya ng tubig. Hindi ba marunong kumain 'to si Neil? Lagi na lang nabubulunan e.

One Summer in Bicol ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon