Dear diary,
-----Alam mo ba diary may nasagip akong balita sa room kanina hindi nga ako makapaniwala na ano diary ka Brotherhood ko siya! At leader pala siya ng Disiarpi.
"Shan bakit nga pala nag deactivate ka sa Katrice Heinz mo na rpa akala ko ba sa Heinz ka masaya?" Mataray na tanong ni Hena kay Shantelle at naka taas pa ang kilay nito.
"Uyyy Hena! Co leader ka pala ng Heinz, hindi ba ikaw si Kena Heinz? Pa accept naman!" Wika ni Nadine at tinapik pa niya ang braso ni Hena.
Iritarong lumingon naman sa kanya si Hena. "Saglit nga! Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay 'yong nakiki sawsaw sa usapan!" Halos narinig yata ng mga classmate ko 'yong sigaw ni Hena kay Nadine sa room, tapos 'yong ibang dumaraan sa corridor namin na papa sulyap pa sa loob nang classroom namin, siguro narinig din nila 'yong sigaw ni Hena, tapos 'yong iba tumitigil pa sa harap nang corridor namin! Halatang nakiki chismis.
Lahat nang attention namin ay nasa kanilang tatlo na, nang biglang sumingit din si Aliyah. "Ahh so ikaw pala 'yong Kena, 'yong nag kalat na may spy na Aesthé sa Vianney kahit wala naman, sa susunod huwag kang magkakalat nang maling balita kung mali-mali naman, sa susunod matuto kayong ilugar 'yang sh niyo, feeling ranter na Heinz mga mali-mali naman mga dahilan niyo, at ang pinaka ayaw ko sa lahat 'yong dinudumihan ang pangalan bang sisterhood ko ng mga bobong tao." Mahabang linyahan ni Ali sabay nilagay ang kamay niya sa bewang niya, nagulat si Hena sa sinabi ni Aliyah akmang ibubuka niya ang bibig niya para magsalita pero hindi niya magawa.
Tumayo naman si Shan para pigilan ang dalawa "Ahh Hena kaya nga gusto kitang makausap noong nakaraang araw, kasi inactive na ako pero sabi mo kasi busy ka kay U-uhmm G-gab 'yong co founder ng Disiarpi remember? Ang totoo member talaga ako ng Disiarpi." Paliwanag ni Shantelle, ngunit mukhang hindi rin naliwanagan si Hena sa sinabi ni Shantelle.
Ano raw? Lahat kami ay napatingin kay Shan sa huli niyang sinabi, 'yong iba naka awang ang bibig at halata ang pagkagulat sa mata, kagaya ko ay hindi rin siguro sila makapaniwala sa nangyayari, samantalang 'yong iba naman naka kunot ang noo at halatang out of place, mga hindi siguro role player 'to.
Pati si Hena ay hindi makapaniwala sa nalaman niya "Anong member ka ng DISIARPI!? Taksil ka Sha---"
"Actually hindi ako basta basta member Hena, Leader ako tama leader ako ng Disiarpi at nagkunwari lang ako noon na nililigawan ako ni Yro para hindi kayo maghinala na Crp kaming lahat at tama ka rin na nagtataka ka diba? Na parang nagkaparehas kami ni Shan Disiarpi, kasi totoo 'yon Hena, Ako si Shan Disiarpi, at ni minsan hindi ko ginustong maging isa sa mga member niyong Heinz, nandoon ako para mag spy." Pagpuputol ni Shantelle kay Hena. 'Yong mga bibig ng mga classmate ko diary! Mas lalong pang bumuka!
Pero OMG! Si Shan Disiarpi at Shantelle iisa!? At Leader siya! Oh 'di ba diary iyan 'yong nasagip kong balita, ang dami talagang kaganapan dito sa room namin diary, dati 'yong break up ni Apollo at Veshna kasi may ka rs na iba si Apollo sa rpw, ngayon sila Shan naman.
Lumapit pa lalo si Hena kay Shan diary. "Walang hiya ka! Pinakisamahan ka namin nang maganda! Pero plastic ka rin pala! Pare-parehas kayo ng mga Aesthé! Mga plastic! Mga crp kayong nga Disiarpi! Ang dapat sa inyo lumayas sa Rpw!" Halatang ang galit sa mukha ni Hena diary, kulang na lang patayin niya si Shantelle gamit nang mata niya dahil sa kakatitig.
Umamba si Hena na sasabunutan si Shan pero inunahan ko siya diary, halos nasa harapan ko lang naman sila kaya madali lang awatin, hinuli ko ang palad ni Hena na dapat ay sasampal kay Shantelle. "Kung may dapat mang umalis sa rpw kayo 'yon, Ano ngayon kung crp kami? Tanga ka ba? Tulad nang sabi ni Yro sa mga Nasco walang masama sa pagiging crp kasi in the first place nandito tayo sa rpw at walang may pake sa totoong pagkatao natin" Wika ko na nakapagpatigil sa kanya---sa kanila.
Bumaling naman sa akin si Shantelle "R-rish Disiarpi k-ka?" Gulat na tanong ni Shantelle sa akin.
"Oo naman wala namang masama sa pagiging crp right? Oh and by the way let me introduce my self Shantelle, I'm Lux Disiarpi nice to meet you Shan Disiarpi." Sagot ko sa kanya at inabot ang kamay niya, ngumiti naman siya at tinanggap ang kamay ko.
"Kayo! Crp kayong dalawa! Hindi! Hindi lang kayong dalawa, kayong mga Disiarpi! At dapat nilang malaman 'to!" Sigaw ni Hena na mukhang galit na galit na sapagkat pumupula na rin ang mukha niya, hindi dahil sa blush kung hindi dahil sa galit.
"Subukan mo lang! Akala mo hindi ko alam ang sikreto niyo? Isang beses na akong nakasali sa main gc niyong mga Heinz, Hena, at hindi naman siguro ganoon kahirap magbackread para malaman ang mga masasamang plano niyo, magpasalamat muna kayo sa akin ngayon dahil hindi ko pa 'to binubunyag." Nakangising ani Shantelle na mas lalong kina putla ni Hena.
Tinignan ko si Hena nang masama unti+unti akong humakbang papalapit sa kanya na ikina atras niya. Inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya saka bumulong, "If being a crp for you is not right, huwag kang mag r-rp kung hindi mo nirerespeto kaming mga cross role player, you don't belong in role player world, anyway." Bulong ko sa kanya sabay tinapik iyong balikat ni Hena.
Hay nako diary! Parang mas lalo akong na stress sa nalaman ko, bukas nga I stalk ko si Shan Disiarpi para malaman kung famous nga rin talaga, grabe makayabang si Shantelle sa akin ha! Titignan ko lang naman kung sinong mas famous sa amin sa rpw.
At hindi na ako mahihiya na crp ako diary, kasi may kasama pala akong crp at si Shantelle pa. Siguro diary, magiging ma ayos na 'yong pakikutungo ni Shantelle sa akin ngayong nalaman niya na member din ako ng Disiarpi.
Nakakainis talaga 'yong mga may galit sa mga cross role player diary, wala namang masama! Mga tanga sila normal lang maging crp sa rpw at hindi nila kami kaylangang I rant!
Btw alam kaya 'to nila Yra? 'Yong mga binunyag ni Shantelle kanina alam kaya nilang mga Disiarpi? Or baka may kasunduan sina Shan at Yra, kaylangan ko talagang mag online diary, bukas na bukas mag u-update ako kung anong kaganapan sa rpw diary.
Stress na stress na,
RishikaPs: Kasali na ako sa squad gang nang section namin diary! Yehey!
-----
A/N: 1k words! Pinaka mahabang ud ko na 'to:) please don't forget to vote and comment, thank you!-061620
YOU ARE READING
Identity Diary Of Cross Role Player
Teen FictionShe's lost in a fake world that not everyone knows it was existing. She doesn't want to leave that brotherhood even if they are all cross role player. She lives happily there not until she meets him, but little did she know he is also a cross role p...