Dear Diary,
Sryv Webster:
Hi good evening!Yesterday at 7:00 PM
Sryv Webster:
Good evening too Sryv.Sryv Webster:
Hindi ba uso mag reply sa 'yo?Sryv Webster:
Papano ba kasi mag re-reply eh 30 Mins ago pa offline.Sryv Webster:
Sige, balik na lang ako kapag online ka na.Parang tanakot na tuloy ako mag online dahil doon sa last chat ni Sryv sa akin kagabi diary, dapat good vibes lang ako ngayon kasi monthsarry naming mga Disiarpi, kaso kagabi pa lang sira na ang good mood ko simula noong nakiepal si Sryv doon sa post ni Darylle.
Ang tingin siguro ang ibang tao sa akin masiyado akong snobber at harsh pero na accept ko na 'yong friend request ni Sryv diary! Dapat bang kulitin niya pa ako!?
'Isipin mo na lang bff ikaw ang nasa posisyon ni Sryv, nag papa accept ka sa famous na brp tapos ikaw 'yong grp pero ayaw ka pansinin ng brp, anong mararamdaman mo?'
Biglang sumagi 'yong chat sa akin ni Shantelle diary, parang bigla akong na konsensiya dahil doon, pero hindi ako mag re-reply 'no! Kagaya nang sabi ko noon, kung hindi nag chat ang isang grp sa brp hindi masasaktan 'yong grp kasi in seen lang siya ng brp.
Saka bakit ko ba iniisip 'yon eh hindi naman ako brp?
"Happy fourth monthsarry Disiarpi!" Nakangiting bati sa amin ni Hena at niyakap kami ni Shantelle.
"Maraming thank you!" Sagot ni Shantelle na ikinatawa naming tatlo.
"Kayo Ali 'di ba monthsarry niyo rin sa 25?" Tanong ni Shantelle kay Aliyah na busy mag basa nang libro.
"Huh? Oo kaso hindi ako masiyadong active," sagot ni Aliyah ngunit naka tuon pa rin ang pansin sa librong binabasa niya.
"You should stop reading books muna, mag online ka at makipag celebrate sa Vianney." Kinuha ni Hena 'yong libro na hawak ni Ali at tinago.
Napabuntong hininga naman si Ali sa ginawa ni Hena at humarap sa amin. "23 pa lang ngayon, sa 25 pa naman ang motmot kaya sa 25 na lang ako mag o-online," ani Aliyah at napakamot sa ulo.
"What!? Hinahayaan mo na hindi ka mag online for 2 days!?" Gulat na tanong ni Shantelle sa kanya.
"Huwag niyo na lang tanongin si Ali, alam niyo namang mas priority niya ang pag-aaral kaysa sa pag r-rp." Singit ni Yurem sa usapan.
YOU ARE READING
Identity Diary Of Cross Role Player
Novela JuvenilShe's lost in a fake world that not everyone knows it was existing. She doesn't want to leave that brotherhood even if they are all cross role player. She lives happily there not until she meets him, but little did she know he is also a cross role p...