Identity 56

212 103 14
                                    

Dear Diary,

        -----"Hinding hindi talaga mag wo-work itong relastion natin kung palagi ka na lang ganiyan! Napaka seloso mo! Kung ano ang gusto mo 'yon na lang ang nasusunod, paano naman ako!? Hindi mo ba naisip na baka nasasakal mo na ako?" Mangiyak-iy...

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

-----"Hinding hindi talaga mag wo-work itong relastion natin kung palagi ka na lang ganiyan! Napaka seloso mo! Kung ano ang gusto mo 'yon na lang ang nasusunod, paano naman ako!? Hindi mo ba naisip na baka nasasakal mo na ako?" Mangiyak-iyak na sigaw ni Shantelle habang naka hawak sa ulo niya at ginugulo niya 'yong buhok niya, mukhang frustrated ang bruha.

"Ginagawa ko 'yon para protektahan ka! Ayaw ko lang naman ma maagaw ka sa akin nang iba naiintindihan mo ba 'yon?" Ani Yurem at lumapit kay Shantelle para aluhin siya.

Ngunit bago pa man makalapit si Yurem kay Shantelle lumayo na si Shantelle para maiwasan niya si Yurem, "Mas makabubuti siguro sa ating dalawa kung tapusin na natin 'to, kaylangan nating maging matured muna bago dumaan sa isang relastion," tuluyan nang bumagsak ang mga luha ni Shantelle na kanina niya pa pinipigilan at saka naglakad ulit papalayo kay Yurem.

Sumubo ako nang popcorn at habang pinagpatuloy ang ka dramahan nang dalawang 'to.

"Sabi kasi sa 'yo Rishika eh, bagay talaga 'yang si Yurem at Shantelle, 'yang bff mo kasi naka focus kay Nash Vizco noon, kung si Yurem na lang sana ang minahal niya noon eh 'di sana hindi siya masasaktan ngayon," ani Hena nakatabi ko at kumuha rin nang popcorn na hawak ko.

Inilayo ko sa kanya 'yong pagkain ko saka siya inirapan, bumungisngis naman nang tawa si Hena, may role play kami ngayon sa classroom about sa relation kuno, group leader namin si Aliyah samantalang ako ang co-leader niya, wala naman akong alam sa mga relastion na 'yan kaya heto ako, kampanteng nanonood at kumakain lang habang pinapanood si Yurem at Shantelle sa harapan.

"Paano kung sa oras na mag mature na ako saka ka makahanap ng iba?" Tanong ni Yurem kay Shantelle.

Maganda rin 'tong drama nila diary, mukhang makatotoohanan parang agree na tuloy ako roon sa sinabi ni Hena na bagay si Shantelle at Yurem, ship ko na rin sila simula ngayon.

"Huwag mong isipin 'yon, ang isipin mo na lang mahal na nga kita ngayong hindi ka pa mature, paano na kaya kapag nag mature ka na?" Banat ni Shantelle kay Yurem at napa 'ayieeeee' naman ang mga classmate ko.

Basta lovelife active na active sila sa lesson, pero kapag about academics nganga. Mabuti na lang hindi ako napili ni Aliyah na mag role play diary, wala akong alam sa mga mature mature na 'yan, kaylangan din pa lang mag mature sa isang relastion 'no?

Basta kagaya nang promise ko noon hindi ako ma i-inlove, puwede oo pero ayaw ko namang mag ka rs sa role player world, sobrang complicated siguro n'on. Siguro para sa akin complicated dahil magkalayo kayo sa isat-isa tapos 'di mo alam baka may nilalandi pa lang iba 'yong ka rs mo sa real world, malay ko lang sa iba.

Identity Diary Of Cross Role PlayerWhere stories live. Discover now